Hitsura ng jeepney, ‘di dapat ibahin!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

Medyo hindi ko gusto ang binabalak ng LTFRB at LTO na modernization ng mga jeep.

Para sa akin, ang mga makina lang ng mga jeepney ang dapat ayusin, huwag ibahin ang Pinoy na Pinoy na itsura.

Unique at very Filipino ang mga jeep natin na tatak Pinoy at ginawan pa ng bag ng sikat na fashion designer na si Christian Louboutin.

Ang tuktuk na parang tricycle natin, distinct at tatak Thailand. Ang jeep natin, sariling tatak ng mga Pilipino kaya please, huwag baguhin at huwag pakialaman.

Anak ni Kim Atienza piloto na!

Congrats kay Kuya Kim Atienza dahil piloto na ang kanyang anak na si Jose.

Proud daddy si Kuya Kim at proud mommy ang kanyang misis na si Felicia dahil sa big achievement ng kanilang anak.

Hindi pa rin makapaniwala si Kim na marunong nang magpalipad ng eroplano ang anak nila ni Felicia.

Sure ako na proud lolo rin si Buhay party-list re­presentative Lito Atienza dahil piloto na ang kanyang apo. Tiyak ko na maraming kuwento si Papa Lito tungkol sa pagiging piloto ng apo niya na isinunod sa kanya ang pangalan.

Dawn tumugtog ng piano 

May talent pala si Dawn Zulueta sa pagtugtog ng piano at ipinakita niya ito sa guesting nila ni Michael V. sa Unang Hirit para sa promo ng Family History, ang pelikula nila na showing sa cinemas nationwide sa July 24.

Almost one year ko na nakasama si Dawn bilang co-host ng Startalk noong dekada ’90 pero hindi ko na-discover na may talent siya sa pagtugtog ng piano.

Kung hindi pa siya naging leading lady ni Michael V. at hindi sila nag-promote sa Unang Hirit ng Family History, hindi malalaman ng publiko ang secret ni Dawn.

Kapatid ni Ruru kontrobersiyal

Kontrobersyal si Rere Madrid, ang kapatid ni Ruru Madrid na inaakusahan na backstabber ng isa sa mga kasamahan niya sa Starstruck Season 7.

True man o hindi ang bintang kay Rere, nakatulong ang isyu para mapansin at mapag-usapan siya dahil sa showbiz, publicity, good or bad, is still publicity.

‘Yun nga lang, dapat patunayan ni Rere na hindi totoo ang akusasyon laban sa kanya dahil sa showbiz, negang-nega ang isang artista na may image na backstabber, lalo pa sa isang aspiring star na katulad niya.

I’m sure, hindi nagkukulang si Ruru sa pagbibigay kay Rere ng mga advice dahil mas marami na siya na karanasan sa showbiz.

JEEPNEY LTFRB LTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with