^

Pang Movies

Monumento ni Dolphy nasa Maynila pa rin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Monumento ni Dolphy nasa Maynila pa rin!
Mang Dolphy

Marami na tayong national artists mula sa industriya ng pelikulang Pilipino, pero sino ba maliban kina Fernando Poe Jr. at Mang Dolphy ang nagkaroon ng monumento sa isang public place? Napag-usapan iyan dahil hindi halos natin namamalayan, pitong taon na pala siyang wala. Kasi napapanood pa rin naman natin ang mga pelikula niya at saka kung madadaan nga kayo sa Roxas Boulevard, bagama’t noong una ay sinasabing maaaring ilipat iyon dahil sa may gagawin yata sila doon, aba eh naroroon pa rin ang monumento ni Mang Dolphy sa harapan ng Museong Pambata.

Ano ba ang nakukuha ng isang national artist? May maliit silang pension, na hindi naman kailangan ni Mang Dolphy noong nabubuhay pa siya. Iyong maiburol siya sa CCP kung sakali at mailibing sa Libingan ng mga Bayani kung gusto ng pamilya niya. Pero iyong magkaroon ka ng isang monumento bilang parangal sa iyo kahit na sabihin pang hindi ka national artist, aba eh matindi iyon.

Pagpapakasal ni Angel ang daming gustong makisawsaw!

Hindi namin maintindihan kung bakit kung anu-ano pang intriga ang ginagawa nila sa engagement at planong pagpapakasal ni Angel Locsin. Niyaya siya ng boyfriend niya at gusto na rin naman niya eh ano pa ang pakialam ng ibang tao kung ano man ang desisyon niya?

Hindi rin namin alam kung bakit parang may survey pa sila at tinatanong ang mga tao ng opinion tungkol sa pag-aasawa ni Angel. Eh sino ba ang may pakialam sa kanyang desisyon? Sino ba ang makapagsasabing mas alam niya kung anong desisyon ang gagawin noong tao sa sarili niyang buhay?

Kung minsan iyan ang hirap sa showbiz masyadong nakikialam ang mga tao.

Kung mayroon mang dapat gumawa ng desisyon sa mga bagay na personal, ang mga tao mismo at kung ano ang sabihin nila, ‘yun na ‘yun. Kasi buhay nila iyon eh. Hindi naman mahalaga kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Hindi rin mahalaga kung ano ang sasabihin ng kanilang mga ex. Pabayaan ninyo ang mga tao kung ano ang gusto nilang maging buhay.

Hindi dahil ang isang artista ay tinatawag na “public property” ay pag-aari na sila ng publiko. May sarili at pribado rin silang buhay. Iyong buhay nila pagkatapos ng kanilang ginagawang pag-arte sa pelikula o sa telebisyon, personal na iyon tulad din sa pag-aasawa.

Maski na nga siguro iyong mga magulang nila dahil sa edad nila ay halos wala na ring pakialam kung ano mang desisyon ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Buhay nila iyon eh. Kung ano man ang maging problema nila later on, wala pa ring sisihan dahil sila ang gumawa ng desisyon.

Tigilan na ang kaiintrigang iyan. Pabayaan ninyong makapagpakasal nang matahimik si Angel.

Goma at Mayor Isko pinagkukumpara ang pagiging sexy!

Natawa kami sa isang reaksiyong natanggap namin mula sa social media. Dahil iyon sa nabanggit naming mga sexy pictures ni Mayor Isko Moreno ay kumakalat na naman sa social media. Ang natanggap naming message ay nagsasabing “baka nakakalimutan ninyo, mas sexy pa riyan ang mayor namin sa Ormoc”.  Oo nga naman. Noong panahong siya ay nagsisimula pa lamang sa mag-artista at aktibo pa sa pagmomodelo, sinasabing si Mayor Richard Gomez ang “sexiest male model” sa Pilipinas. Kaya nga mula noon hanggang ngayon iyon pa rin ang paniwala ng marami. Kaya nga nabuhay ang isang garment line dahil sa kanya, at kahit na marami na silang nakuhang models, sinisiguro nilang si Mayor Goms ay hindi mag-eendorso ng iba.

vuukle comment

DOLPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with