^

Pang Movies

Pagsasara ng ABS-CBN hindi matutuloy?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nagsasabing mukhang hindi raw mangyayari ang kinatatakutan ng marami na magsasara na nga ang ABS-CBN pagkatapos na mag-expire ang franchise noon sa susunod na taon. May nagsasabing dahil ang possible ngang umupong speaker ng House of Representatives ay si Congressman Alan Peter Cayetano, mabibigyang pansin naman ang franchise ng ABS-CBN.

May mahabang history na rin naman ang pagsasamahan ng mga Cayetano at ng ABS-CBN. Kung natatandaan ninyo ang dating senador na si Rene Ca­yetano, na tatay ni Congressman Alan ay nagsimula sa pagiging isang radio program host sa ABS-CBN, at doon sumikat siya sa tawag na ‘Compañero ng Bayan’. Hindi maikakailang malaking tulong iyon sa kanyang political career.

Iyon ding kapatid ni congressman na si Mayor Lino Cayetano ay naging director sa pelikula ng Star Cinema at nagdirek din ng ilang serye sa ABS-CBN.

Iyon daw ang dahilan kung bakit sa kabila nga ng bantang baka mag-expire ang kanilang franchise ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpapapirma ng ABS-CBN ng kontrata sa mga artista. Iyon din naman ang dahilan kung bakit ang mga artista ay nagpapatali sa kontrata sa ABS-CBN.

Kaya nga sinasabing mahalaga kung sino ang mauunang speaker ng house, kahit na sabihin pang may term sharing, dahil tiyak babagsak din sa unang speaker ang usapin ng franchise ng sinasabing ikatlong telco. Malalaking projects iyan na kailangan ng tulong ng house.

Mayroon pang nagsasabi, minsan naman matiyempuhan mo lang hindi mainit ang ulo ni Presidente Rodrigo Duterte, malamang palusutin din niyan ang franchise ng ABS-CBN, lalo na nga kung makakalusot sa house, kung saan nagmumula ang paglikha ng franchise.

Throwback ng sexy pictures at song and dance numbers ni Mayor Isko nagkalat!

Talagang sikat na sikat nga si Mayor Isko Moreno, kaya nga maging ang US Ambassador, ang tawag sa kanya ay rockstar.

Kasabay niyan, naglalabasan ang mara­ming “throwback” ni yorme. Kabilang na roon ang mga song and dance numbers na ginawa niya noong panahong siya ay nasa That’s Entertainment pa.

Noong nasa That’s pa siya, si yorme ay kasama sa grupong tinawag na Magnificent 7, pito silang taga-That’s Entertainment na talagang binibigyan ng special exposure sa show at sa istasyon. Kaya naman mas umangat talaga sila, at marami sa kanila, nakasama at naging bida pa sa mga pelikula.

Pero hindi lang iyon. Kasama rin sa lumalabas sa mga throwback pati ang mga sexy pictures ni yorme na kuha sa mga ginawa niyang mga pelikulang sexy noong araw.

Male star nasapawan ng baguhan na malinis ang image!

Dahil sa mga hindi magagandang tsismis, tungkol sa kanyang mga escapades noong araw sa gay bars sa Malate, mukhang natabunan ang mga pautot ng isang male star. Nasapawan na siya ng ibang mga baguhang male stars na malinis ang image at tunay na lalaki pa.

Pero kawawa naman siya, in the first place ano nga ba ang napatunayan ng mga nagsasabing questionable ang kanyang gender preference? At saka bakit malupit ang tsismis sa mga bading sa showbiz, pero ang tomboy ha nagkalat din naman at hindi nila itsinitsismis.

Bakit nga ba may double standards sa pagitan ng mga bading at tomboy sa showbiz?

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with