_pang-masa
^

Angel sinagot ang patama ni Luis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 14, 2019 - 12:00am

Ang nasa isip ng mga nakabasa ng pinost na quotation card ni Angel Locsin na “Don’t Ruin Other People’s Happiness Just Because You Can’t Find Your Own” sagot niya ito sa interview kay Luis Manzano na naging controversial dahil lang sa salitang “niya” at “niyo.”

Na-interview kasi si Luis at nahingan ng comment sa engaged couple na sina Angel at Neil Arce. Sabi ni Luis, ang isinagot niya ay “wag niyo na kami idamay” at hindi “wag niya kami idamay” na ang iba ang meaning at lumabas na si Angel ang tinukoy niya sa “niya.”

May nag-comment kasi na inaano ba ni Angel si Luis at tigilan na ang pagiging bitter. Kaya sumagot at nilinaw ni Luis ang kanyang sinabi dahil baka nga naman lumaki pa ang isyu. Heto nga at naging controversial ang isyu dahil nag-react si Angel ng quotation card.

Dingdong at Eugene nabunyag na ang ginawa kay Bitoy

Dr. Ronaldo D. Reyes ang pangalan ng karakter ni Dingdong Dantes sa Family History na isang oncologist. Cameo role lang si Dingdong, pero importante ang role niya dahil siya ang magkukumpirma na isa kina Michael V. at Dawn Zulueta ang may cancer.

Ang role ni Eugene Domingo sa pagka-cameo niya sa Family History ang hindi pa alam dahil nang makausap si Eugene, hindi itinuloy ang sasabihin na sana ay tungkol na sa role niya sa movie na showing sa July 24.

Anyway, pinasalamatan nina Michael V., at misis na si Carol Bunagan si Joross Gamboa sa pagpo-promote ni Joross ng pelikula sa kanyang Instagram (IG). Suportahan daw ang movie ni direk Michael V. at pati showing ay sinulat.

Kagagaling lang nina Michael V. at Carol sa Cagayan de Oro City sa ginawang Masterclass Series na kung saan, nagsalita si Michael V. about filmmaking. Kasama si Carol dahil siya ang producer ng movie at siya ang representative ng Mic Test Entertainment na co-producer ng GMA Pictures.

Kasama naman ni Michael V. si Dawn Zulueta sa Kapuso Mall Show in the afternoon at ginawa sa Centrio Hall Ayala Mall.

Bea tutok sa coffee shop habang walang trabaho

Walang sinasayang na oras si Bea Binene dahil habang hindi siya busy sa showbiz at habang wala pang teleserye, nagbukas siya ng Mix & Brew Coffee kiosk sa SM Megamall. Malaki ang puwesto ni Bea na madalas, siya ang tumatao.

Kasunod nito, nag-enroll siya ng Professional Culinary and Pastry Arts sa Center for Asian Culinary Studies at ang matututunan niya rito ay puwede niyang ibenta sa Mix & Brew Coffee kiosk niya.

Sabi ni Bea, matagal na niyang gustong mag-try ng culinary at masaya siya to enroll at CASC Manila.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with