Owww hanggang pelikula may lampungan? Andrea pasok sa (K)Ampon nina Kris at Derek!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 14, 2019 - 12:00am

Excited ako sa (K)ampon horror movie nina Kris Aquino at Derek Ramsay na isa sa apat na unang official entries sa Metro Manila Film Festival 2019!

At least, magbabalik-pelikula na si Kris at isang horror pa na gusto sa kanya ng mga tao!

Ang ganda nga at naisipan silang pagsamahin ni Atty. Joji Alonzo, huh!

Natuwa pa ang fans dahil balitang may special participation sa (K)Ampon si Andrea   Torres na leading lady ni Derek sa series niya ngayon sa GMA-7.

Fans nina Kim at Xian marunong mag-appreciate

Nakakatuwa ang KimXi fans nina Kim Chiu at Xian Lim.

Basta may naisulat ka sa dalawang idol nila, siguradong ipo-post nila ‘yon para mabasa ng iba pang KimXi fans.

Wala rin silang sawa sa pasasalamat.

Kahit na maliit na item about Kim and Xian, ikinatutuwa ng KimXi fans!

Kapuri-puri ang mga katulad ng KimXi fans na marunong mag-apprecite at malayo sila sa ibang fans na never nagpasalamat, pero kapag may naisulat ka na feeling nila ay hindi pabor sa kanilang mga idolo ay iba-bash ka na lang!

‘Yun na!

Ian pasabog ang mga naging guest sa concert

Alam mo, Ateng Salve, ang bongga rin ng mga pa-surprise ni Ian Veneracion at ng A-Team (headed by Ogie Alcasid) sa mga nanood ng two-night concert niyang Ian: In Color sa Music Museum.

Kung noong Thursday, si Bea Alonzo ang sumulpot sa stage at nakipag-duet kay Ian, noong Friday naman, sina Zsa Zsa Padilla at Daniel Padilla ang mga nag-surprise sa mga nanood.

Yes, ang mga nanood lang ang sinurprise talaga dahil aware na aware si Ian sa surprise guests niya sa kanyang two-night.

Bale noong first night, may Ogie Alcasid at sa second night ay may Regine Velasquez-Alcasid, kaya ang bongga!

Noong Thursday naman, no less than ABS-CBN big lady boss Ms. Charo Santos-Concio ang nanood, huh!

Noong second night, tuwang-tuwa ang KathNiel fans dahil nanood naman si Kathryn Bernardo to support Daniel, and of course, Ian, na nakasama nila sa remake ng Pangako Sa ‘Yo some years back!

Anyway, ‘yung mga kaibigan ko na nanood ng two-night concert ni Ian ay kilig-kiligan sa kanya dahil ang galing daw talagang kumanta ng aktor!

Ang maganda pa, after the show, may pa-meet & greet pa sa fans!

Maaga ring nagsimula ang two-night concert dahil sa pa-meet & greet after.

Sabi nga pala ng fans, sana magkaroon ng repeat ang Ian: In Color at gusto nila na sa Music Museum pa rin para medyo intimate, ‘noh?!

Ano kaya ang masasabi ng producer na si Ogie?

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with