Ruru natigalgal nang makita si Jasmine
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 14, 2019 - 12:00am

Natameme si Ruru Madrid nang una niyang ma-meet sa personal ang idolo niyang si Jasmine Curtis-Smith sa Sunday PinaSaya. Bago pa man magkita, pinanonood na niya ang pelikula ni Jasmine.

“Noong first time ko siyang na-meet sa Sunday PinaSaya, siguro dahil sa sobrang fan niya ako, hindi ako makalapit sa kanya. Hindi ako nakapag-introduce ng sarili ko sa kanya,” pahayag ni Ruru matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA Network.

Ngayong buwan, naglabasan sa social media ang litrato nina Jasmine at Ruru na tila nagtatrabaho sa isang project. Kinakitaan agad sila ng chemistry ng netizens.

Kinumpirma ng Kapuso hunk na pelikula ang kanilang sinu-shoot ni Jasmine. “Hindi ko nga ini-expect na makakatrabaho ko si Jasmine. It’s a love story na for sure maraming makaka-relate na mga tao kasi drama and romance siya. Mara­ming kikiligin, maraming mapapaiyak, maraming matatawa,” pahayag ni Ruru.

Unang eksena pa lang na pinagawa sa kanila ay yakapan agad. “Wala akong na-feel na wall kasi sobrang tina-trust niya ako agad at sobrang tina-trust ko din siya. Never kaming nagkaroon ng wall sa isa’t isa,” kuwento ni Ruru sa unang pagsasama nila sa movie ni Jasmine.

Aso ni Heart sosyalera at fashionista rin!

Nakikipagsabayan kay Heart Evangelista sa pagiging sosyalera at fashionista ang Aspin (Asong Pinoy) niyang si Panda.

Sa liratong pinost ni Heart sa Instagram, walang bahid na Pinoy ang aso niyang pinangalanan niya at may user name na @pandaongpaucoescudero, huh!

Of course, advocacy na ni Mrs. Chiz Escudero ang pangangalaga sa mga hayop. Kaya balak niyang magpatayo ng animal shelter sa Sorsogon.

 

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with