^
Camille maligaya sa lumalaking pamilya

Camille maligaya sa lumalaking pamilya

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

Baby boy ang second baby ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao na isinilang nung nakaraang Wednesday, July 10 na pinangalanang Nolan (with a second name) Prats Yambao.

Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Nala Camilla Prats Yambao ay magda-dalawang taon sa darating na September 22. Bukod kina Nala at Nolan, si Camille ay may panganay na anak sa kanyang namayapang unang mister na si Anthony Linsangan na si Nathan now 9 years old.  May isa ring anak na lalake si VJ sa dati nitong nakarelasyon.

Matteo lutang ang kapayatan

Sobrang napakalaki ang ipinangayayat ng nobyo ng Pop Star na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli nang ito’y aming makita sa magkasunod na okasyon, una sa Sunlife major event in Sofitel Philippine Plaza Hotel last Saturday at sa formal launch ng joint venture ng Iflix at Viva Communications, Inc. na ginanap sa ika-29th level ng Arthaland Century Pacific Tower in Bonifacio Global City, Taguig City nung nakaraang Miyerkules, July 10 ng gabi kung saan isa siya sa mga guest performer.

Hindi ikinaila ni Matteo ang hirap na kanyang pinagdaanan sa kanyang one month scout ranger training at hindi nito ikinakaila na kamuntik umano siyang mag-back out sa sobrang hirap pero nakaya niya ito hanggang sa huli.

More than his training, mas in-appreciate ni Matteo ang katapangan at sakripisyo ng mga sundalo para sa Inang bayan more than themselves and their families..

Ngayong nakalabas na ng kampo si Matteo ay balik siya sa kanyang sangkaterbang busy schedule at kasama na rito ang pagsisimula ng isang major movie under Viva Films na siya mismo ang pangunahing bituin.

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with