Alden pinahiya raw ang GMA sa pagluhod
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Ginawang isyu ng bashers ang pagluhod ni Alden Richards sa harap ni director Cathy Garcia-Molina bilang pasasalamat ng aktor sa good words at papuri ng director sa kanya bilang tao at bilang aktor. Ito’y pagkatapos nilang magkatrabaho sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.

Pinahiya raw ni Alden ang GMA Network sa ginawa niyang pagluhod kay direk Cathy na taga-ABS-CBN. Hindi na sumagot si Alden at ang team nito dahil ang supporters ng aktor ang nagtanggol sa kanya.

Si Alden, hindi natapos sa pagluhod at pagyakap kay direk Cathy ang pasasalamat dahil pinost nito sa Instagram (IG) ang photo na nakayakap siya habang nakaluhod sa harap ng director.

Dahil sa mga papuri ni direk Cathy at sa sinabing hindi lang marunong umarte si Alden, kung hindi magaling, mas dumami ang gustong mapanood ang Hello, Love, Goodbye at wish nila, July 31 na.

VivaCon may pa-audition sa mga gustong mag-artista

Dadalo si Rico Blanco sa gaganaping VivaCon na in-organized ng Viva Entertainment sa World Trade Center sa August 3 at Aug. 4 from 10 am to 10 in the evening.

Isa si Rico sa mga magpi-perform sa two-day event na sabi ni Mr. Jay Montelibano, brain child ni Mr. Vic del Rosario three years ago pa.

May concert si Rico kasama ang IV of Spades sa Aug. 3, kaya most probably, sa Aug. 4 siya magpi-perform o puwede ring unahin niyang magpunta sa World Trade Center bago sa concert na gagawin sa Metrowalk.

Samantala, lahat ng Viva Artists ay pupunta sa VivaCon, maliban na lang sa kasama sa ASAP sa San Francisco. Gagawing successful ang event dahil gusto ni Boss Vic del Rosario na gawin itong yearly.

For a P550 admission price, puwede ka nang mag-stay ng one day sa event at manood sa live shows, fan meet at mag-participate sa lahat ng activities. Sa two-day event, ang fans ang bida at nasa tag line ang “Bida Ka sa Viva.”

Ihanda ang sarili na makita sina Sarah Geronimo, Nadine Lustre, James Reid, Matteo Guidicelli, JC Santos, Bela Padilla, Yassi Pressman, Xian Lim, Anne Curtis at iba pang Viva artists.

May mga naka-schedule na talks sina directors Sigrid Bernardo, Jason Paul Laxamana, Paul Basinillo, Irene Villamor, Nuel Naval at iba pa.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with