Kris Aquino
Kris horror ang babalikan!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Hindi sa TV, kung hindi sa big screen ang magsisilbing comeback ni Kris Aquino na kasama sa entry na (K)ampon para sa Metro Manila Film Festival 2019 with Derek Ramsay.

Ang pelikulang I Love You Hater naman with Julia Barretto at Joshua Garcia ang huling pelikulang kanyang ginawa.

Kasama ang pelikula nila ni Derek sa unang napili na apat para sa 8 official entries ng MMFF.

Ang apat pa na natitira na bubuo ng Magic 8 ay sa September 20 ihahayag.

Sarah hindi pa seryoso sa kasalan

Thirty one years old na si Sarah Geronimo sa nalalapit niyang kaarawan. Napi-pressure ng labis ang Pop Princess dahil ang inaasahan ng lahat na ang susunod na sa birthday niya ay ang pagpapakasal nila ni Matteo Guidicelli o ang announcement man lang ng kasal nila, pero mukhang wala pa talagang balak ang dalawa.

Si Matteo lamang ang umaming napag-uusapan na nila ito ng girlfriend, pero hanggang dun lamang sila umaabot, sa pag-uusap. Wala pa silang nagagawang plano.

Mayor Joy at Mayor Isko walang katulad!

Maganda ang mga ipinapakitang gawain ni Manila Mayor Isko Moreno, dahil sa kanyang ginawang paglilinis at pagpapaalis ng mga illegal vendors sa gilid ng mga kalsada, nakakadaan na ng maayos ang mga motorista.

Ganito rin ang ginagawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa kapakanan ng mga tiga-QC.

May susunod pa ba sa kanila?

Follies de Mwah may singalong na rin

Isang magandang pagkilala sa three-generation Follies de Mwah ang ginawa nilang performance sa Shangrila, Makati ng 93rd birthday ng American tycoon na si G. Washington SyCip na since 2004 ay suki na ng mala-Vegas na palabas na pinaghirapang buuin ng henyong si Cris Nicolas, artistic-director ng bahay aliwan sa lugar nila sa Mandaluyong City.

May bagong comedy bar na magsisimulang mag-operate next month. Matatagpuan ito sa unang palapag ng gusali ang kinatatayuan ng Club Mwah at kung saan ay puwedeng mag-enjoy at kumanta din ang mga galing ng Club Mwah.

 

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with