Kauna-unahang Viva Con mahigit 500 na artista ang sasali!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Hindi magkukulang sa limandaang artista ang maaari ninyong makita, makausap at makasalamuha sa kauna-unahang Viva Con na gaganapin sa World Trade Center sa Agosto 3 at 4. Ang event na iyan, kagaya rin ng ginagawa ng mga foreign cable channels na dinadala sa Pilipinas ang kanilang stars, gumagawa ng live performance para mas maipakilala pa sila. Ganundin ang gagawin ng Viva.

Magkakaroon ng exhibitors kung saan makakabili kayo ng souvenir items, kasama na roon ang mga libro na maaari ninyong papirmahan nang personal sa mga artista basta natiyempuhan ninyong naroroon sila. Eh hindi naman mawawalan ng artista riyan. Tapos pagdating ng gabi ay magkakaroon din ng concert at puwede ring manood. Kasi iyong bibilhin ninyong isang ticket, day pass iyon. Ibig sabihin buong araw iisang ticket ang kailangan ninyo.

Isipin ninyo, nagbabayad kayo nang libo para lang mapanood si Sarah Geronimo halimbawa o si Anne Curtis sa isang concert. Eh iyan, isang ticket lang buong maghapon hanggang concert na kung saan performers ang lahat ng malalaking contract stars ng Viva. Kahit na hindi nila contract stars, basta may ginagawang projects sa kanila, kasama na rin iyon.

Ito pa ang maganda, kung may ambisyon kang maging singer, o may ambisyon kang maging artista, magpunta ka na lang sa Viva Con dahil doon mismo may gagawin silang audition para sa mga baguhang talent. Mas sigurado iyon kaysa sa magpapabola pa kayo sa maraming nagpapanggap na talent scouts na pagkatapos, matotolongges lang kayo.

Ang hirap makita ang mga artista nang personal. Kita nga ninyo ang shows sa networks, pumipila sila simula madaling araw makapasok lang. Hindi pa sila makalapit sa artista. Eh ito, sinasabing mahigit na 500 artista ang makikita ninyo, makakausap at makaka-selfie pa.

Isa sa apat na pelikulang pasok sa MMFF, nangangamoy flop na agad

Base sa scripts ng mga pelikula, pumili na ang screening committee ng Metro Manila Film Festival ng apat na pelikulang “siguradong” kasali na sa MMFF sa Disyembre. Kagaya nang inaasahan, siniguro na nilang pasok sina Vice Ganda at Vic Sotto. Aba sa history ng festival sila lang ang nagpapalit sa pagiging top grosser eh. Sigurado nga namang kikita na ang festival basta naroroon sila. Hindi na masyadong magiging kawawa ang mga sinehan na matotokahan ng flop.

Natuwa rin kami at nakapasok ang pelikula nina Aga Muhlach at Nadine Lustre, dahil tiyak na iyon ay isang magandang family drama. Pero ang kuwento niyan, halos translation lamang ng isang hit na pelikulang Koreano.

Nanghihinayang kami dahil hindi nila pinapasok ang pelikula nina Coco Martin at AiAi delas Alas na siguradong magiging malaking hit din, pero ngayon kailangan daw gawin iyong naiiba sa mga comedy para makapasok pa. Kung itutuloy pa rin nina Coco at AiAi ang project, hindi mala­yong makadisgrasya pa iyan at mapatunayan ang kanilang box office supremacy.

At aminin natin, mahusay gumawa ng pelikula si Coco, lalo’t siya rin ang director.

May mga papasok pang ibang pelikula riyan, pero ang usapan nga sa walong pelikulang papasok, mukhang maliwanag na kung sino ang magiging bottom holder. Hindi pa nag-uumpisa, flop na.

VIVA CON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with