Gwen nag-‘Japan’ kahit manganganak na!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, ‘kaloka rin itong PBA player na si David Se­merad na fiancé ni Gwen Zamora.

Kahapon kasi ay nag-post siya sa Instagram story ng video na may location na Japan at habang pakain sila sa isang Japanese restaurant.

Sabi pa niya, “quick Japan trip nila” ‘yon at kasama pa nila ang twin-brother niyang si Anthony Semerad at ang girlfriend nito na si Sam Pinto.

Tatawa-tawa si Gwen sa video na ‘yon.

Ang alam ko, eight months na ang ipinagbubuntis sa kanyang sinapupunan ng fiancé ni David, kaya nakakabigla na bigla silang nasa Japan, huh!

Nang makapalitan ko ng private messages si Gwen, ibinuking niya na nasa Little Tokyo sa Makati City lang sila.

Kaya naman pala tawa siya nang tawa sa IG story video na ‘yon, huh! “Ah no, joke lang ‘yon. Hehehe, we were in Little Tokyo, Makati lang. Hindi na rin ako puwede to fly.

“We’re almost there, four weeks na lang then may baby na!” message pa niya sa akin.

Kamakailan nga raw ay nagkaroon sila ng very intimate baby shower party. Bale family and close friends lang daw ang invited doon.

“Maliit lang,” sey pa ni Gwen.

Anyway, August 19 ang expected due date ni Gwen kay Baby Cooper and after nun, ang wedding naman nila next year sa Boracay island ang aasikasuhin nila.

Janine at Paulo hindi pa alam kung kailan magsisimula sa pelikula

Marami ang excited sa nalalapit na pagsu-shooting nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino para sa pelikulang pagsasamahan nila under T-Rex Productions.

Si Janine kasi ay taga-GMA-7 at taga-ABS-CBN naman si Paulo.

At least, sa pelikula man lang daw ay magsama ang dalawa.

Wala namang naging problema sa negosasyon para sa project na ‘yon dahil kahit sa rival networks sila, iisa naman ang manager nila, si Leo Dominguez.

Anyway, inaayos pa raw ang schedule ng dalawa at ang mga detalye tungkol sa pelikulang ‘yon, kaya hindi pa sure kung kailan sila mag-i-start.

Ang alam ko rin, puno ang schedule ngayon ni Paulo dahil may two movies siyang ginagawa plus may series siya sa Dos, ang The General’s Daughter, na magtatapos na raw sa September.

Si Janine naman, matatapos na ang Dragon Lady sa Siyete, kaya medyo magiging maluwag na ang schedule niya.

DAVID SE­MERAD GWEN ZAMORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with