Alden Richards
Kathryn payag mag-crossover, Alden sariling sikap ang pagpayat!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Ang daming nakapansin na malaki talaga ang ipinayat ni Alden Richards ngayon at aminado siyang talagang pinaghirapan niya ang weight niya ngayon kaya naman natutuwa siya kapag may nakaka-appreciate ng kanyang figure.

Ang naging motivation niya sa pagpapapayat? Walang iba kundi ang direktor nila sa Hello, Love, Goodbye na si Cathy Garcia-Molina.

Kwento ni Alden, talagang sinabihan daw siya ni direk Cathy sa look test pa lang nila ni Kathryn Bernardo na mataba siya

“During the look test po, we did a couple of looks, kami po ni Kath, actually, more on my part po, well, si Kath din po, nagpalit. Parang nakikita ko na po si direk, parang may hinahanap. Parang naghahanap po ng panga,” pagre-recall ni Alden.

After several test shots, hindi na raw napigilan ni direk Cathy at diretso na siyang sinabihan. “Alden, halika dito, tingnan mo ang taba mo,” sabi raw ng lady director.

Pero sa halip na ma-offend ay ‘yun daw ang naging driving force niya para talagang magpapayat. Sinabi raw niya kay direk na the next time na magkita sila ulit ay hindi na ganu’n ang hitsura niya.

After the look test kasi ay may one month preparation pa raw sila para sumabak sa shooting kaya ginamit niya ang isang buwan na ‘yun para magpapayat. “And he kept his word,” sabi ni direk Cathy.

Around 20-25 lbs daw ang nabawas sa kanyang timbang in a month and half’s time.

“Sarili ko pong program. I never asked any help. I just did my own workouts, did my own meal diet. So, kaya ko pala siyang mag-isa,” proud na sabi pa ni Alden.

Nagbiro nga si Alden na ang last project daw kasi niya before Hello, Love, Goodbye ay Victor Magtanggol and that time he had to gain some muscles, pero ang na-gain daw niya yata ay taba.

Doing this film made Kathryn and Alden and even direk Cathy na pwede naman palang magsama ang Kapamilya at Kapuso stars. 

 “Yes po, parang ang sarap po ng (pakiramdam). Of course I’m very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito.

“May hindi po ako makakalimutang sinabi ni direk Cathy when we were in the storycon, when we were being interviewed by the TV crew, nang nun’g makita po ni direk na magkatabi ‘yung mic nun’g ABS at GMA, sabi niya, ‘ay, pwede pala.’

“So, sana po, ito ‘yung mag-start ng collaboration ng different networks, different artists, actors na sa isang project magsama and to be able to tell a good story to the audience,” pahayag ni Alden.

Nang tanungin kung pwede rin bang makita si Kathryn na mag-crossover sa GMA network, anang young actress, “ako, okay po sa akin. Kung payagan po nila, di ba? I would love to crossover naman.”

Showing na ngayong July 31 ang Hello, Love, Goodbye mula sa panulat ni Carmi Raymundo hatid ng Star Cinema. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jameson Blake at marami pang iba.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with