Cinemalaya, PPP at MMFF may labanan sa takilya!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Nakatutok ang mga mata ng patrons ng local films sa magkasunod na festivals, ang Cinemalaya 2019 ngayong August at Pista ng Pelikulang Pilipino 3 sa Setyembre.

Itanggi man ng organizers ang pagdaos ng dalawang festivals, labanan pa rin ito ng local films. Gusto pa ring kumita ng producers ng napi­ling entries.

Between the two, mas nauna ang Cinemalaya. Ang talo nga lang ng Cinemalaya eh limitado ang sinehang pagpapalabasan nito. Madalas na sa CCP Main at Little Theater ito naipalalabas at piling sinehan sa Metro Manila.

‘Yun ang lamang ng PPP na project ng Film Development Council of the Philipines at sa loob ng isang linggong showing eh, walang foreign films na kasabay.

Kaya naman sa unang taon ng PPP, ang biggest earner na entry ay umabot sa mahigit P100M, huh! Hindi nga lang nila ito na-duplicate on its second year kung hindi kami nagkakamali.

Saka sa PPP, pasok ang box-office stars na magkaroon ng entry basta pasado ang movie sa selection committee. Eh sa Cinemalaya, kadalasan eh ‘yung word of mouth na maganda ang pagkakagawa ng isang entry kaya tinatangkilik ang entry. Kung minsan nga, hindi agad naipalalabas ang movie sa commercial cinemas after its run sa Cinemalaya.

Sa totoo lang, ang tanda naming entry sa Cinemalaya 2019 ay ang Belle Doleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson at unang directorial work ito ni Atty. Joji Alonso.

Sa PPP, nagmarka ang entry na Cuddle Weather ng Regal Entertainment nina Sue Ramirez at RK Bagatsing, at ang Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

‘Yung iba pang entries ay kahapon inilabas ng FDCP.

Matapos ang Cinemalaya at PPP, ang Metro Manila Film Festival 2019 ang mapapanood. Ang unang apat na official entries ay ang (K)Ampon nina Kris Aquino at Derek Ramsay; Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza; Miracle in Cell#7 nina Aga Muhlach at Nadine Lustre at ang entry nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sana ay maging masaya ang lahat ng producers ng entries sa Cinemalaya, PPP at MMFF at tangkilikin ng manonood ang lahat ng pelikula para hindi sabihing namamatay na ang local film industry, huh!

Pero teka, kailan ba ang simula na ang lahat ng movies ay Biyernes ang opening day? Aba, more than 15 days na yata ang lumipas mula sa unang publication ng agreement, huh!

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with