Coco Martin
Coco hinahanap sa MMFF!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Bothered and fans ni Coco Martin dahil hindi kasama ang pelikula nito sa announcement noong Miyerkules ng first batch ng mga official entry sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Walang dapat ipag-alala ang fans ni Coco dahil malakas ang kutob ko na kasali na ang pelikula niya sa announcement ng second batch ng official entries sa mga susunod na araw.

Coco Martin is Coco Martin. Nasanay na ang mga tao na may pelikula siya na kasali sa MMFF. Parang kulang at hindi kumpleto ang December film festival kung walang official entry si Coco na tiyak na ikalulungkot ng young fans niya.

Tripol Trobol ang title ng pelikula na balak na isali ni Coco. Maliban sa cast ng movie, walang ibang detalye tungkol sa project ni Coco na pagbibidahan nila nina AiAi Delas Alas, Edu Manzano at Jennylyn Mercado. Si Coco ang producer at direktor ng Tripol Trobol.

Kris baka ‘magamot’ ang sakit sa gagawing pelikula

Horror movie ang filmfest entry ni Kris Aquino na may working title na (K)ampon at si Derek Ramsay ang leading man niya. Bagay na bagay kay Kris ang pamagat ng pelikula dahil may “K” siya.

Lately, nagiging masasakitin si Kris kaya may mga nag-aalala na baka mahirapan siya sa shooting, lalupa’t horror ang pelikula niya.

Iba naman ang paniniwala ko. Missed na missed na ni Kris ang showbiz, lalo na ang pag-arte kaya sure ako na looking forward at excited siya na humarap uli sa camera.

Baka nga ang muling paggawa ni Kris ng pelikula ang maging “gamot” para gumaling ang kung anuman ang mga nararamdaman niya. Saka, hindi siya tatanggap ng responsibilidad na may deadline kung hindi niya kakayanin.

Sigurado rin ako na hindi mahihirapan si Kris sa shooting ng horror movie dahil sanay na sanay na siya sa ganoong genre.

Minsan nang kinilala si Kris na Box- Office Horror dahil blockbuster ang mga pelikula niya na katatakutan, ang Feng Shui na nagkaroon ng sequel, ang Segunda Mano at Sukob.

Bago siya kinilala na Box-Office Horror Queen, Massacre Queen muna ang title ni Kris sa showbiz dahil pinilahan din sa takilya ang mga massacre movie na pinagbidahan niya noon.

Sen. Sonny Angara nakapagpatapos na ng scholar

Tuwang-tuwa ang aking trusted kasambahay na si Mel Balili at pamilya niya nang mag-graduate ang kanyang pamangkin na si Bebe na isa sa scholar ni Senator Sonny Angara.

Malaking tulong sa pag-aaral ni Bebe ang isang taon na allowance o scholarship program na natanggap niya at ng ibang mga estudyante mula sa opisina ni Senator Sonny, thru the help of Lynette Baldovino.

Sure ako na habambuhay na utang na loob ang tatanawin ng pamilya ni Mel kay Senator Sonny at sa misis nito na si Tootsie na isa sa mga napakabait at napakaganda, among the senators wives.

Napatunayan at nakita ko ang magandang nagagawa ng advocacy ni Sen. Angara tungkol sa edukas­yon kaya masasabi ko na malaking tulong ito sa mga mag-aaral.

Tulad ng kanyang father na si Senator Edgardo Angara, fast worker at tutok sa pagtulong si Senator Sonny na ‘Angara’ talaga.

COCO MARTIN METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with