Jessy tinutulungan na ni Luis na magkatrabaho?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Nagbabalik-telebisyon sina Jessy Mendiola at Jericho Rosales sa kanilang 2018 Metro Manila Film Festival entry na The Girl in the Orange Dress na mapapanood ngayong Linggo (July 14) sa Cinema One.

So far daw kasi ay walang naka-line up na project ang ABS-CBN for Jessy ayon sa isang source. Matagal-tagal na ring pahinga sa teleserye ang actress.

Nabalita na noon na lilipat na siya ng GMA 7 pero hindi nga natuloy.

So ano nga kayang direction ng career ni Jessy?

True din kayang tumutulong na ang boyfriend niyang si Luis Manzano para hanapan siya ng trabaho?

Going back to The Girl in the Orange Dress, sa unang pagkakataon nga ay nakatambal ni Jericho si Jessy sa itinuturing ng aktres na biggest movie break niya, ang rom-com na umiikot sa mystery girl na si Anna (Jessy).

Isang mahiyaing babae si Anna na magigising sa isang hotel room kasama ang pamosong artista na si Rye (Jericho) at walang maalala kung bakit siya napunta doon. Alamin kung paano tatakasan ng dalawa ang fans at media lalo na ang bestfriend ni Anna na isang fan ng aktor.

Kasama nina Jericho at Jessy dito sa pelikula sina Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Cai Cortez, Thou Reyes, Nico Antonio, Via Antonio, at Juan Miguel Severo.

Ang  The Girl In The Orange Dress ay iprinodyus ng Star Cinema, Quantum Films at MJM Productions at mula sa direksyon ni Jay Abello.

So far ay nasa social media ang career ng actress.

JERICHO ROSALES JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with