^

Pang Movies

Piolo ididirek si Claudine

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Piolo ididirek si Claudine
Piolo Pascual

Tatlong projects pala ang gagawin ni Piolo Pascual na halos sunud-sunod. Isa na dito ang muling pagtatambal nila ni Claudine Barretto sa isang film na ang shooting ay magaganap in Europe.

First film ng dalawa ang Milan, which almost in its entirely was filmed in Milan, Italy.

No, according kay Piolo, ‘di sequel to the movie Milan ang bagong project nila ni Claudine. Na suspetsa (ganyan, suspetsa lang, ha), ng karamihan ay posibleng si Piolo na mismo ang magdirek.

Samantala, ‘di na nga raw itinuloy ni Piolo ang balak niya sanang mag-aral ng filmmaking abroad.

Piolo, with son Inigo, was at the presscon of the launch ng Kaakbay: Stories of Lifetime Partners ng Sunlife Financial, together with fellow Sun Life Financial endorsers, Charo Santos-Concio, Enchong Dee at Matteo Guidicelli.

Project ni Ricky Reyes para sa mga batang may sakit, bibinyagan na

On Sunday, a new ChildHaus, a project of beauty guru and philanthropist Ricky Reyes will be blessed.

Located in Mapang-akit Street, Barangay Pinyahan, Quezon City the new Childhaus is right at the back of the Philippine Heart Center.

It’s likely that if the ChildHaus on F. Agoncilio, Paco Manila, right across the Philippine General Hospital ay nagsisilbing libreng tirahan ng mga batang may sakit na cancer, na karamihan ay mga taga-probinsiya.

May your tribe increase, Ricky Reyes.

PBB housemate Sky Quizon, napagkamalang bading

Naging estudyante pala ni Boy Abunda si Sky Quizon, one of the good-looking guys na napabilang sa last batch ng housemates ni Kuya, in the still ongoing Pinoy Big Brother (PBB) Otso.

Very impressive ang credentials ni Sky, who according to Boy, graduated salutatorian during his elementary days at valedictorian naman noong high school.

Every inch a gentleman din ang dating niya sa viewers ng PBB Otso.

No wonder, marami ang nainis kabilang na kami sa fellow housemate niyang si Mae, when she kept insinuating that Sky was/is a gay.

Well, in a recent interview with Boy Abunda’s TWBA (Tonight with Boy Abunda), Sky said, ‘di niya pinahahalagahan ang gender ng isang tao. Mas mahalaga sa kanya kung anong pagkatao ito meron.

Asked if nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa niya lalaki, malumanay ang kanyang sagot na hindi.

Hindi rin binanggit ni Sky kung nagkaroon o may girlfriend siya bago pumasok sa bahay ni Kuya.

Ganunpaman, common knowledge among his fellow housemates na attracted siya sa kanyang ka-batch na si Diana Mckay na ‘di ipinagkailang nakipag-relasyon siya sa isang tomboy.

Tulad ni Sky, evicted na rin si Diana, 21.

Kung ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-pursue kay Diana, now that both of them are nasa outside world na, remains to be seen.

Of Sky nga pala, his dream is to become an effective TV host, like of course, Boy, Luis Manzano and Robi Domingo, which is likely na magaganap, ayon kay Boy.

Well, good luck, Sky.

Jameson binabaha ng suwerte!

Obvious na dumarating ang suwerte sa dating housemate ni Kuya sa isang season ng Pinoy Big Brother (PBB) na si Jameson Blake.

Well, heto at bukod sa kasama siya sa cast ng soon-to-be-shown first co-starrer nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, may gagawin din silang movie ni McCoy de Leon na puwedeng silang dalawa ang bida.

Both good dancers sina McCoy at Jameson, kaya regular member sila ng top dance group na Hashtags na daily ay napapanood sa noontime musical show na It’s Showtime.

Samantala, bali-balita naman ngayon na si Jameson ay nanliligaw sa ex girlfriend ni McCoy na si Elisse Joson. Nagpaalam naman daw ang una at pumayag naman si McCoy.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with