^

Pang Movies

Joshua consistent ang statement kina Julia at Gerald

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Joshua consistent ang statement kina Julia at Gerald
Joshua Garcia

Joshua Garcia reportedly no longer believes na nagkaroon ng relasyon sina Julia Barretto at Gerald Anderson, habang ginagawa nila ang pelikulang Between Maybes sa Japan.

Otherwise nga naman, ‘di kaya mag-react din si Bea Alonzo na common knowledge na karelasyon sa kasalukuyan ni Gerald?

Well, kung sa bagay.

In any case, mananatili pa rin daw muna na “friends na lang” ang relasyon nila ni Julia. Kahit pa they are doing a film together with Ian Veneracion, McCoy de Leon at Maris Racal, titled Block Z with Mikhail Red directing.

May upcoming series si Joshua kasama sina Janella Salvador at Maja Salvador, ang The Killer Bride.

Balitang makakasama rin sa nasabing pelikula si Geoff Eigenmann.

Raymond seryoso sa bagong dyowa

Seryoso raw si Raymond Bagatsing sa kanyang bagong girlfriend na isang non-showbiz.

Annulled na pareho ang kasal ni Raymond sa diumano’y dalawang babaeng kapwa niya pinakasalan. One of them ay isang dating kilalang entertainment writer, na higit ang katandaan sa kanya, pero isa nang American citizen.

Raymond’s romance and eventually pagpapakasal sa da­ting aktres na si Lara Fabregas, na anak ng kilalang aktor na kasama sa kasalukuyan as regular cast ng top action series, FPJ’s Ang Pro­binsyano, si Jaime Fabregas, ay naging kumbaga, talk of the town. Bagay sila sa isa’t isa pero nauwi nga sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Lara now reportedly lives in London with her rich banker husband. May mga supling na sila.

Of Raymond, his performance as the late Manuel Quezon, when he was the President’s age in Quezon Game, earned Raymond tremendous “hurrahs” as an actor.

Samantala, nagsimula ang showbiz career ni Jaime Fabregas bilang musical scorer. He scored several of the late Fernando Poe, Jr.’s action films.

Kapwa Bicolano sila ni late Eddie Garcia na ipinanganak at lumaki sa Juban, Sorsogon. Si Jaime naman ay galing sa Iriga, Camarines Sur.

Ngayon ay 69 years old na si Jaime at kasalukuyang napapanood sa Ang Probinsyano bilang military officer.

 “Younger brother din siya ni Susan (Roces, widow of FPJ in real life) in the series,” kwento pa ng isang kibitzer.

Fumiya at Yamyam may future sa comedy

Matindi pala ang crush ni Fumiya, kasama sa top 16 na eventually pagpipilian ng champ sa Pinoy Big Brother (PBB) Otso, kay former Miss International (2018) na si Kylie Versoza.

Alam ni Fumiya na kilalang vlogger sa Tokyo, Japan na taken na si Kylie. Open na nga naman ang relasyon nila ni Jake Cuenca.

Ganun pa man, ‘di pa raw nagme-meet sina Fumiya at Jake.

Isa pang Kapamilya na crush din ni Fumiya ay ang former housemate rin ni Kuya na si Ylona Garcia, na gumagawa na rin ngayon ng name bilang singer.

Hinuhulaang manalo o matalo man sila both ni Yamyam, also a PBB Otso finalist, in the PBB Otso finals, may showbiz career ng naghihintay sa kanila bilang mga komedyante.

Nakakatawag pansin na sila bilang mahusay na magpatawa sa sitcom na Home Sweetie Home Extra Sweet, kung saan tampok sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, young stars Clarence Delgado and Miles Ocampo, plus Rio Locsin.

Napapanood din sa sitcom si Edgar Mortiz bilang masugid na manliligaw ni Rio.

Ellie atat matawag na ate

Hindi lang daw si Andi Eigenmann and her partner, champion surfer, Philmar Alipayo, ang excited sa nalalapit na pagsilang ng kanilang panganay na ayaw pa nilang i-reveal ang magiging  pangalan (basta girl daw ito), kung hindi ang panganay ni Andi na si Ellie.

And, of course, Andi’s mom, actress Jaclyn Jose.

Hindi na nga raw makapag-antay si Ellie na matawag na “ate.”

Si Ellie ay anak ni Andi sa anak ni former Manila Mayor Joseph Estrada and former actress Laarni Enriquez, na si Jake Ejercito.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with