Little Miss Philippines ng EB magkakaroon na rin worldwide?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 8, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, marami akong friends abroad ang nagtatanong sa akin kung paano raw bang magpa-audition sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga?

Marami sa kanila ang interesadong umuwi sa Philippines kasama ang kanilang mga anak dahil gusto nilang isali sa kiddie beauty pageant ng longest running TV show sa ating bansa.

Ang bongga nga dahil magpo-40 years na ang Eat Bulaga this year, kaya ibinabalik nila ang Little Miss Philippines.

Pero nang maka-text ko kahapon ang creative head nila na si Ms. Jenny Ferre, sinabi niya na, “Short lived competition lang ito. Baka hindi na sila umabot.”

Pero next year daw ay ita-try nila na magkaroon ng pa-Little Miss Philippines sa iba’t ibang Filipino communities abroad at ang magiging winners ay puwede nilang isali sa pa-contest nila sa Eat Bulaga.

“Next year, we will try to do that,” sey pa ni Ms. Jenny.

Sana nga magawa nila ‘yon dahil tiyak na maraming matutuwang mga kababayan natin abroad.

In fairness, worldwide ay pinanonood talaga ang Eat Bulaga!

AiAi judge sa Miss PhilippineS USA

Papunta pala si AiAi delas Alas sa Los Angeles, California dahil isa siya sa judges sa Miss Philippines USA beauty pageant on July 21 at gaganapin ‘yon sa Alex Theater.

Nakausap ko ang organizer ng nasabing beauty pageant, si Ms. Lou Razon na kilalang fashion designer sa California at nag-commit na raw sa kanila si AiAi.

Madalas ding pumunta sa L.A. si AiAi dahil ang alam ko, may bahay siya sa may Corona kung saan ay may bahay din si Michael V.

Anyway, going back to Miss Philippines USA beauty pageant, gaganapin ‘yon sa Alex Theater sa Glendale at may iba pang celebrities na magdya-judge.

Judge rin doon ang talent manage cum beauty queen-maker na si Jonas Gapud.

Sabi pa ni Lou sa akin, “Jonas is the producer of Global Asian Modeling competition or GLAM, kaya ‘yung top winner namin will compete in GLAM to be held in Manila sa September.”

Liza sa Pilipinas magpapagaling

Kahapon ay ka-text ko si Ogie Diaz na co-manager ng Star Magic sa career ni Liza Soberano.

Tinanong ko si Ogie kung hanggang kailan sa L.A. si Liza na katatapos lang magpa-opera uli ng finger nito na naaksidente last year sa taping ng Bagani ng ABS-CBN.

“May check up pa next week sa doctor eh. Depende sa advise ng doctor, Jun. Pag sinabi ng doctor na sa pinas na magpagaling, mas ok sa amin,” reply ni Ogie.

Panalangin ng fans ni Liza at ng LizQuen fans na maging ok na siya para makauwi na siya ng Philippines para makapag-taping na sa new series nila ni Enrique Gil.

LITTLE MISS PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with