Nadine cameo sa pelikula nila ni Aga!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 7, 2019 - 12:00am

Dapat pala hindi pa ilalabas ang pelikulang gagawin nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa Viva Films para rin hindi malaman ang role ni Nadine. Kaya lang, hindi napigilan ang pagkalat ng balita at nalaman na ngang ang adaptation ng Korean hit movie na Miracle in Cell No. 7 ang pagsasamahan ng dalawa.

Kaya ayaw pa sana ng Viva Films na ilabas ang balita ay dahil maiksi lang ang role ni Nadine, ang sabi pa nga, cameo lang ang role niya at gaganap sa lumaking anak ng karakter ni Aga.

Si Nadine ang gaganap sa character ng Korean actress na si Park Shin Hye, pero sa opening at towards the end lang ang role niya dahil ang batang version niya ang mas malaki ang role at mas mahaba ang exposure.

Ang sabi, may ibang gagawing pelikula si Nadine, kaya okay lang kung mag-cameo siya sa Miracle in Cell No. 7. Also, bidang-bida naman si Nadine sa another Viva Films movie na Indak na showing sa August 7.

Si Arjo Atayde pa lang ang nababalitang makakasama nina Aga at Nadine sa pelikula na entry daw ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival. Si Nuel Naval ang director ng project.

Camille at Suzi hindi nawasak ang friendship

Buo pa rin ang friendship nina Camille Prats at Suzi Abrera kahit pinalitan na si Suzi ni Iya Villania bilang co-host ni Camille sa Mars Pa More na magsisimula sa July 8.

Maganda ang birthday message ni Camille kay Suzi na pareho niya ay July din ang birthday. Nagkita ang dalawa, kumain at nagkakuwentuhan. Hindi kami magugulat kung may iyakan pa ng konti dahil ang tagal nilang magkasama, tapos maghihiwalay dahil kinailangan.

Host din kasi si Suzi ng Unang Hirit na napapanood kasunod ng Mars Pa More  at hindi puwedeng magkasunod ang shows niya.

Megan inakusahan ng fans ni Catriona na nagpapa-cute kay Clint!

Natawa kami sa nabasang may mga nagselos na shippers nina Catriona Gray at Clint Bondad dahil lang magkatabi ang dalawa sa litrato na kuha sa mall show. Kung anu-ano na ang itinawag ng selosang fans kay Megan Young, mang-aagaw daw ng boyfriend at nagpapa-cute kay Clint.

Hindi yata alam ng bashers na matagal ng break sina Catriona at Clint at si Megan ay matagal na ang relasyon kay Mikael Daez. Saka, ano ba naman ‘yung nagkatabi lang ang dalawa sa picture taking, gagawan na ng isyu.

Ang malala pa, hindi lang sina Megan at Clint ang nasa litrato dahil kasama rin nila sina Kim Domingo at Kris Bernal. Nagpu-promote kasi ang tatlong Kapuso aktres ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko dahil pilot na nito sa July 22 or 29. Pinasama ng GMA-7 si Clint para hindi lahat babae ang mapapanood ng audience.

Hindi nag-react si Megan at dinedma ang pamba-bash sa kanya ng fans nina Catriona at Clint, katuwiran siguro nito, wala siyang dapat ipag-react.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with