^

Pang Movies

Pops nawala ang hiya dahil sa tulong nina Tito Sen at Helen!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Pops nawala ang hiya dahil sa tulong nina Tito Sen at Helen!
Pops Fernandez

Alam mo ba, Salve A. na ang yumaong Queen of Intrigues na si Inday Badiday (Lourdes Jimenez-Carvajal) or Ate Luds ang nagbigay kay Pops Fernandez ng Concert Queen title? Ito’y ibinase ni Ate Luds sa sunud-sunod na record-breaking concerts noon ng ex-wife ng Concert King na si Martin Nievera na ang pinaka grabe ay ang kanyang live concert sa Rizal stadium na nagkaroon ng pandemonium sa sobrang dami ng tao at marami ang nasaktan at hinimatay. Mabuti na lamang at walang namatay.

Inamin ni Pops na stress umano siya sa titulo na ibinigay sa kanya ni Ate Luds pero ito ang naging challenge sa kanya na lalo niyang pag-ibayuhin ang kanyang pagiging concert performer.

Sa pagbabalik-tanaw ni Pops, inamin niya na sobra umano siyang mahiyain bago siya pumalaot sa showbiz when she was barely 16 years old. Kahit siya raw mismo ay hindi makapaniwala sa malaki niyang transformation.

Pinasasalamatan ni Pops ang kanyang ina, ang dating aktres na si Dulce Lukban dahil ito umano ang nag-udyok sa kanya na subukan ang singing dahil madalas niya itong naririnig na kumanta habang naililigo. Naikuwento ito ni Dulce sa ninong at ninang ni Pops na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa na agad namang gumawa ng paraan na makapasok ito sa showbiz.

Tito Sen produced Pops’ first single, ang Dito na kinompos nina Homes Flores at Jim Cosme at dinala niya ito sa OctoArts na pag-aari ni Boss Orly Ilacad in 1981 and the rest ay history nang maituturing.

Since nagsimula nang sumikat noon ang mga music videos (MTV) ng foreign singers, ginawan ni Tito Sen at ng OctoArts si Pops ng sarili niyang music video para sa awiting Dito na kinunan pa sa isang resort ng Batangas at ito’y dinirek ni Bert de Leon.

Since bagito at wala pang kamuwang-muwang sa kalakaran ng showbiz, naging mentor niya hindi lamang ang kanyang ninong na si Tito Sen kung hindi maging ang wife nito, ang kanyang ninang na si Helen Gamboa na tiyahin ng Megastar na si Sharon Cuneta at ina ni Ciara Sotto.

Ang pagiging estudyante ni Pops noon sa International School ay nakatulong na masabayan niya ang pagiging bibo at madaldal ni Martin at dito unti-unting tinanggap ng mga manonood ang kanilang tambalan on TV na nauwi sa kanilang pagi­ging magkasintahan and eventually sa kanilang pagpapakasal nung June 28, 1986 when Pops was barely 20 years old.

Nagkaroon ng dalawang anak sina Pops at Martin na sina Robin at Ram pero after more than 12 years of marriage ay nagkahiwalay ang mag-asawa dahil sa third party sa part ni Martin. Ang kanilang kasal ay na-annul nung 2003.

Ngayon ay sobrang magkaibigan ang da­ting mag-asawa at tanggap na rin ni Pops ang pagkakaroon ng ibang ugnayan ni Martin sa ibang babae lalupa’t annulled naman na ang kanilang kasal at libre na silang pareho magkaroon ng relasyon sa iba pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring single si Pops pero hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi siya masaya.

Although nag lie low si Pops sa kanyang singing and TV hosting, pinasok naman nito ang pagiging isang entrepreneur at kasama na rito ang kanyang pagiging concert and movie producer.

Ngayong August and September ay magkakaroon ng reunion concert sa Amerika at Canada sina Pops at Martin na pinamagatang Two-gether 2019 na kanilang sisimulan sa The Palace Theatre in Los Angeles, California on August 10.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with