Heart, Christian
Christian Louboutin naka-bonding Heart tuloy ang pagrampa sa PFW!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 5, 2019 - 12:00am

Wala na talagang mas bobongga pa kay StarStruck Season 7 council Heart Evangelista! As we speak, panay ang pag-aura at rampa niya sa Paris Fashion Week. Invited kasi siya sa fashion events na ito na dinadaluhan ng iba’t ibang celebrities. Kasama pa nga niya sa France ang kanyang stepdaughter na si Chesi. Happy place ni Heart ang Paris kaya walang dudang sulit na sulit ang pagbiyahe niya sa City of Lights.

At ang latest na naka-bonding niya ‘dun, ang sikat na shoe designer na si Christian Louboutin. “All aboard the Loubhoutan Express. The @louboutinworld presentation was amazing, and to top it all off, I got to finally reunite with my dear friend Christian. #PFW”

Alden may hamon pa sa sarili

Sunud-sunod talaga ang buhos ng blessings para sa Kapuso star na si Alden Richards. Bukod sa mga natatanggap na projects at endorsements, siya ngayon ang bida sa July cover ng isang fashion magazine. Ayon sa Pambansang Bae, gusto pa rin niyang hamunin ang sarili to do better. Kwento niya, “I want to portray different roles as much as possible, and I want people to see that my love for the craft is being showcased in the projects I make.”

Ngayon pa lang, excited na ang lahat ng kanyang fans at supporters sa nalalapit na showing ng kanyang pelikula na Hello, Love, Goodbye on July 31.

Congratulations in advance, Alden! 

CineMo ng TVplus, nagpasaya sa mga tatay

Inaasahan ni Francisco Jaramillo, isang TVplus user, na may libreng gupit at masahe siya sa Post-Father’s Day event ng CineMo, pero laking gulat niya na siya pa ang mapalad na napiling nag-uwi ng bagong TV, ang grand prize na handog ng TVplus sa CineMo Araw ni Tatay.

Nakuha ni Francisco ang papremyo nang manalo ang kanyang anak sa isang palaro ng CineMo sa event.

“Hindi ko po inaasahang manalo. Ngayon, may TV na po kami,” ani Francisco. Masaya rin si Francisco sa libreng gupit at masahe dahil nakabawas daw ito sa gastos ng pamilya niya.

Isa lang si Francisco sa 140 taong napasaya ng CineMo dahil sa libreng gupit, masahe, at papremyo na ibinigay nila.

Bukod dito, may grocery package rin na natanggap ang mga tatay na early birds at sumali sa Minute to Win it games, pati libreng pagkain. Tumulong din ang Trabahanap.com sa mga tatay na naghahanap ng bagong mapapasukan na trabaho.

Vice balik sa dating gawi, nagpayong mamahinga pag masama ang katawan!

Balik-Showtime na si Vice Ganda kahapon.

Nagpasalamat siya at negative ang mga test sa kanya. Nagagawa pa nga niyang magbiro na nalungkot siya dahil nadurog agad ang ulo na nakita niya sa ultrasound.

Hindi na niya binanggit kung bakit siya na hospital ng ilang araw pero nauna nang nasabi na grabe ang pagdudumi na may kasamang pagsusuka ng komedyante.

At ang payo niya sa mga manonood, maging maingat sa kalusugan dahil iisa lang ang katawan :  “You have to take care of your health para masaya tayo. It’s not bad to rest once in a while. Just don’t quit, just rest. When your body is telling you that you have to rest, just rest. Dedmahin n’yo ang mga boss n’yo na galit lagi kapag uma-absent kayo. Paminsan-minsan mas maniwala kayo sa inyong nararamdaman kaysa sa boss ninyo. Kasi kapag kayo ay namatay papalitan lang kayo ng boss n’yo. Pero kapag katawan n’yo ay sumakit, hindi kayo makakahanap ng bagong katawan,” sabi niya pa kahapon sa Showtime.

CHRISTIAN LOUBOUTIN HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with