^

Pang Movies

Binyag ng anak nina Prince Harry at Meghan Markle, low key lang

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Binyag ng anak nina Prince Harry at Meghan Markle, low key lang
Prince Harry at Meghan Markle

Ngayong Sabado, July 6 ay nakatakdang binyagan ang bagong miyembro ng royal family na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor, ang almost two-month old baby nina Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex.

Unlike the grand wedding nina Prince Harry at Meghan nung May 19, 2018 na ginanap sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle, isang simpleng baptismal ceremony daw ang magaganap sa isa sa mga chapel ng Windsor na io-officiate ng Archbishop of Canterbury na si Justin Welby na siya ring nag-officiate ng engrandeng kasal nina Prince Harry at Meghan.

Hindi makakadalo sa nasabing binyag ang 93-year-old grandmother ni Prince Harry na si Queen Elizabeth II at mister nitong si Prince Philip, Duke of Edinburgh dahil sa previous commitment pero inaasahan ang pagdalo ng ama ni Prince Harry at grandfather ni Baby Archie na si Prince Charles kasama ang bagong wife nitong si Camilla Bowles, Duchess of Cornwall, ang nakatatandang kapatid ni Prince Harry na si Prince William at wife nitong si Kate Middleton, ang Duke at Duchess of Cambridge, ang ina ni Meghan na si Doria Ragland na lilipad galing Los Angeles, California kung saan ito naka-base, at ilang malalapit na kaibigan ng royal couple na siyang tatayong godparents ni Baby Archie.

Ang baptismal ceremony ay isusunod sa royal tradition kung saan ang tubig na ibubuhos sa ulo ni Baby Archie ay magmumula sa Jordan River.

Si Baby Archie ay isinilang nung May 6, 2019 kaya eksaktong two months old na siya sa araw mismo ng kanyang binyag.

Pagkatapos ng binyag ay saka lamang magsi-share ng official photos ang Buckingham Palace na kuha mismo sa binyag ng pinakabatang miyembro ng royal family.

First time magsasama-sama sa stage...

Muling magsasama-sama sa isang fundraising concert ang apat sa mga successful former Kundirana members ng La Salle – Geenhills na sina Gary Valenciano, Randy Santiago, Ogie Aclasid at Dingdong Avanzado na pinamagatang Green and Go na nakatakdang ganapin bukas, Sabado, July 6, 8 p.m. sa FilOil Flying V Centre ng San Juan City, Metro Manila.

Thirty years na rin ang nakaraan nang magkaroon ng hit reunion concert ang mga naging miyembro ng sikat na high school music ministry group ng La Salle Greenhills, ang Kundi Sa Ultra, Saan Pa? kung saan nagsama-sama for a cause ang Kundirana alumni.

Ang Green and Go fundraising concert ay binuo ng La Salle Greehills Batch `84 bilang paggunita na rin nila ng kanilang ika-35th homecoming year.

Tatayong musical director si Mon Faustino at stage director naman si Paolo Bustamante.

Pagkatapos ng concert ay susundan ito ng party sa Route 70 kaya kakaiba ang mai-experience ng mga dadalo at manonood sa magkakasamang concert nina Gary V., Randy, Ogie at Dingdong.

Kailan naman kaya mauulit ang isang major concert sa isang major venue ang reunion ng dating Kundirana members na pinagmulan hindi lamang nina Gary V, Randy, Ogie at Dingdong kung hindi ng iba pang da-ting members tulad nina Juan Miguel Salvador, Rowell Santiago, Louie Ocampo, Dingdong Eduque, Rannie Raymundo, Monet Silvestre, Mikoy Morales at marami pang iba?

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

PRINCE HARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with