^

Pang Movies

Maja at BF magpapakasal na rin!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maja at BF magpapakasal na rin!
Maja Salvador, Rambo Nuñez

Susunod kina Angel and Neil

Kapag nagkataon Salve A., tatlong kasalan ang magaganap sa taong ito.

Unahin natin ang newly engaged na sina Angel Locsin at Neil Arce. Waring wedding bound sila before the year ends. And from the way it looks, magiging wedding of the year ito pag nagkataon.

Malamang na ngayong 2019 din daw maganap ang kasalan nina Maja Salvador at non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez. The two were on a vacation in Italy and Switzerland, with reported Rambo’s Mom, Marilyn Nuñez-Ortega.

Naka-set naman na on the other hand ang wedding ni Valerie Concepcion sa kanyang Guam based na boyfriend na si Francus Sunga.

It will happen daw this December. They were engaged August last year.

Now, 31, Valerie is a mom to her teenage daughter, Heather Fiona. She was 16 nang magkaanak.

Andi babalik agad sa surfing pagkapanganak!

Hindi raw porke’t magsisimula ng business ang soon-to-be-mom na si Andi Eigenmann kasama ang boyfriend na si Philmar Alipayo ay nangangahulugan nang iiwan niya na ang pag-aartista at pagsu-surf.

Pagkapanganak niya raw this July ay babalik na agad si Andi sa surfing as soon as okay na siya, binigyan naman na raw siya ng go signal ng kanyang doktor.

Surfing daw kasi ang paborito nilang water sport ni Philmar, at maganda itong pampabawas ng timbang.

Gusto rin daw niyang gumawa ng pelikula lalo na kapag ang project daw ay maganda.

Nabanggit pala ni Andi na bago mabuntis, may ginawa raw silang pelikula ni Eddie Garcia titled Circa na hindi pa raw naipapalabas.

Nadine inaabangan kung magiging best actress uli 

Will Nadine Lustre win kaya this year’s Eddy’s Award for Best Actress for her performance sa pelikulang Never Not Love You with James Reid?

The Eddy’s is the award-giving body given yearly by the entertainment’s editors group, the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), sa the best of showbiz for two years now.

For her performance in Never Not… nanalo na ng awards for Best Actress si Nadine from the FAMAS, the Gawad Urian at Hiyas Ng Sining Award na mula sa guild of educators, mentors at students.

For her new film this year, did we hear it right na may gagawin siyang movie with Aga Muhlach?

Meron din siyang unreleased movie, ang Indak with Sam Concepcion na malapit na ring ipalabas.

Francine malaki ang utang na loob kay Melai

Malaki raw ang utang na loob na tinatanaw ng batang aktres na si Francine Diaz kay Melai Cantiveros, dahil nagsisimula pa lang siya noon sa showbiz, nangutang daw si Francine kay Melai ng pambayad para sa inuupahan nilang bahay noon dahil pinapaalis na raw sila ng landlord.

Hindi lang daw basta pambayad ng bahay ang ipinahiram ni Melai kung hindi pati na rin daw ang pambayad ng kuryente, at ang natira ay pinambili nila ng pagkain.

Hirap daw sila Francine at ang pamilya nito noong hindi pa siya nag-aartista, kuwento niya nang mag-guest siya sa programa ni Melai with Jolina Magdangal at Karla Estrada na Magandang Buhay.

May mga pagkakataon daw na hindi sila kumakain at hindi rin daw sila makapag-aral na magkakapatid. Pero ngayon ay namamayagpag na siya dahil sa seryeng Kadenang Ginto kung saan gumaganap siya bilang isa sa mga bida. No wonder na ginto ito kung ituring ni Francine.

Magandang umpluwensiya rin daw sa kanya ang mga kasama sa trabaho at kaibigan na sina Andrea Brillantes, Seth Fidelin at Kyle Echarri, lalo na ang mga elder co-stars na sina Dimples Romana at Beauty Gonzales.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

RAMBO NUñEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with