Magaling na aktor inuto at pinaikot ng sineserbisyohang network
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 30, 2019 - 12:00am

Kinumbinsi ang isang maga­ling na aktor ng isang network para tanggapin ang isang short but meaty role sa isang series. Saka pareho ito ng isang series na nagawa na niya.

Bihira rin kasing lumabas sa series ang aktor dahil sa mahabaang oras ng trabaho kaya kadalasan ay sa pelikula siya napapanood.

Eh para tanggapin ang role, sinabihan ang aktor ng isang staff na tanggapin na niya ang project dahil may malaki pang project na mapupunta sa kanya. Bilang pakikisama, tinanggap niya ang series pero nang ungkatin ang isa pang project, nadismaya siya nang malaman sa ibang aktor na ibinigay ito.

Pagrampa ni Lovi sa ibang bansa, mahiwaga raw!

Misteryo pa rin sa mga tao ang pananatili ni Lovi Poe sa ibang bansa. Ayon sa malapit sa aktres, aprubado naman ng GMA Network ang bakasyon niya. Kung hanggang kailan, tanging si Lovi lamang ang nakaaalam.

Sa huling post ni Lovi sa Instagram ay nasa Italy naman siya.  Habang nasa Piccolo SantAndrea Luxury Suite Hotel, doon naman siya nagsasabog ng kanyang alindog sa suit na itim na swimsuit, huh!

Lutang na lutang ang mga pisingi ng puwet niya kaya naman ang netizens, nag-init sa litrato niyang ‘yon kahit tag-ulan sa atin ngayon.

Teka, itutuloy pa ba ng Primera Aktresa ang pelikulang The Annulment under Regal Films?

Glaiza at bf magkikita sa Portugal

Tatlong buwang mawawala si Glaiza de Castro sa bansa dahil lilipad siya patungong London para mag-aral.

Ang haka-haka, kakatagpuin niya ang rumored boyfriend niyang foreigner na taga-Ireland, si David.

“We will have time. Siguro few days lang, kasi yung dad niya, magsi-celebrate rin ng birthday niya sa Portugal. By that time, magsisimula na ang lessons ko.

“Tinatanong nga nila eh, pero hindi kaya. Ang pinunta ko roon is studies. Magsisimula na rin naman ang business niya. Happy ako na nasimulan na niya,” pahayag ni Glaiza sa mediacon ng iiwang movie niya na Letters To Happy.

NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with