^

Pang Movies

Habang pinapaayos ang mansiyon Sen. Manny, isang milyon kada buwan ang renta sa bahay Isusuot ni Jinkee sa laban ni Pacman inaabangan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Habang pinapaayos ang mansiyon Sen. Manny, isang milyon kada buwan ang renta sa bahay Isusuot ni Jinkee sa laban ni Pacman inaabangan!
Sen.Manny & Jinkee

Ang bahay ng Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao sa North Forbes Park sa Makati City.

Under renovation ang bahay na ‘yon at nang madaanan namin kahapon ay parang matatapos na rin bago mag-Christmas.

Sa ngayon, umuupa si Manny sa Dasmariñas Village na katabi lang ng Forbes Park at modern ang bahay na ‘yon na ang tsika ay one million a month daw ang rental ng boxer/politician.

May isang kaibigan ako na nakapasok na sa bahay na nire-rent ni Manny sa Dasmariñas Village at malapit ‘yon sa bahay ni Dra. Vicki Belo.

‘Yung bahay naman niya na pina­re-renovate sa Forbes Park ay malapit sa bahay ng big boss ng GMA 7 na si Atty. Felipe Gozon.

Nasa US na nga pala ngayon si Manny at nagte-training na para sa July 20 boxing fight nila ni Keith Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

May mga nagsasabing excited sila sa boxing fight na ‘yon dahil aabangan nila ang isusot ng sosyalerang misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Kilala si Jinkee sa pagkakaroon ng magandang taste sa pananamit.

Mamahalin din ang brands na isinusuot ni Jinkee sa mga ganoong event.

In fairness, bagay kay Jinkee ang mga isinusuot niya at hindi siya katulad ng ibang trying hard sa pagsusuot ng signature brands!

Panti Sisters nagrenta ng lumang bahay

Napunta ako sa isang big old house sa New Manila, Quezon City para sa isang taping at ‘yon din pala ang set ng Panti Sisters movie nina Paolo Bal­lesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

“Binihisan” talaga ng production company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan ang nasabing bahay.

Ang maganda, nag-work na uli si Christian sa mag-asawang direktor dahil nagkaroon ng issue noong tanggihan niya ang Born Beautiful movie.

Sabi ng isang involved sa production, maganda raw ang Panti Sisters.

Bale hanggang sa August daw ang contract ng production company nina Direk Jun at Direk Perci sa big old house na ‘yon bilang set nila.

Bagong serye nina Ken at Rita hinihintay na

Inaabangan na ng fans nina Ken Chan at Rita Daniela ang bago nilang primetime series sa GMA 7.

Gagawa ng series sina Ken at Rita under GMA News and Public Affairs at ipapalabas daw ito by September or October.

Naging click ang love team ng dalawa sa tambalan nila sa My Special Tatay kaya naisipan ng mga taga-Kapuso network na pagtambalin sila uli.

‘Yun na!

 

vuukle comment

SEN.MANNY & JINKEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with