^

Pang Movies

Jolo tulad ni Lani ang kailangang babae

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jolo tulad ni Lani ang kailangang babae
Jolo & Angelica

Ito ang open letter ko kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla na balitang-balita na pakakasalan ang kanyang girlfriend na si Angelica Alita sa Southern California sa December 2019.

Dear Jolo,

Nababasa ko ang mga plano mo to get married in December. So happy, but anxious. Nakita at nasubaybayan ko ang paglaki mo and I will never forget when I saw you crying in frustration sa naging ending ng affair mo with your first serious romance kahit pa nga happy ka na rin dahil magkaroon ka ng baby boy, si Gab.

Sobra ka na ma-in love, seryoso at deeply involved, kaya dapat lang na ang babae na mamahalin mo sana ay gaya ng mother mo na si Lani Mercadona devoted, loyal at resilient.

Sana, kahit anong bagyo ang dumating sa buhay ninyo ng magiging partner mo, may loyalty siya at as fierce as your mom Lani.

I wish your coming marriage is really a union of two people with forever as their plan.

Mabait ka na tao na tulad ng father mo na si Senator Bong Revilla kaya ibibigay rin sa’yo ni God ang isang babae who will always stay at your side, bumagyo man, umaraw at kahit anong panahon as in mamamalagi lamang siya sa tabi mo.

Sana nga tulad ng pangalan niya na Angel, maging anghel siya sa buhay mo. I love you Jolo, I wish the best for you. Just be happy. Congrats and best wishes for you and Angel.

Your Nay Lolit.

Mga Korean actor takot sa married life?!

Sad talaga ako para sa ex-couple na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo. Parang kailan lang, kilig na kilig ang fans nang ikasal sila noong 2017.

Hindi nila nakakalimutan ang pag-iyak ni Song Joong-ki habang binabasa nito ang kanyang marriage vows.

Ang bigat pa naman ng feeling na hindi sila puwedeng mag-grieve in private dahil nga very public sila bilang mga Korean superstar ang Song-Song couple.

Alam ng fans na sinusubaybayan ang buhay ni Song Joong-ki na very emotional ito na tao at mababaw ang luha niya.

Naging isyu nga noon nang pasalamatan ni Park Bo-gum si Song Joong-ki nang manalo siya na best actor.

Umiyak si Song Joong-ki dahil sa pasasalamat sa kanya ni Park Bo-Gum kaya tinukso siya ni Song Hye-kyo.

Ngayon, maghihiwalay na sila at nadadawit sa kontrobersya si Park Bo-gum dahil ito ang pinagbibintangan na third party? Sad ‘di ba?

Naisip ko tuloy na kaya inaabot ng 40-years-old ang Korean male actors bago mag-asawa dahil afraid sila na baka hindi mag-succeed ang married life nila.

Tingnan n’yo si So Ji-sub, 41 years old na siya pero ngayon lang naging open sa pakikipag-date.

Si Jo In-sung 40 years old na wala pa rin girlfriend.

Hay naku, sad talaga ako Salve sa nangyari sa Song-Song couple.

vuukle comment

JOLO & ANGELICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with