Prince William
Prince William susuportahan ang anak sakaling maging beki o tibo
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 29, 2019 - 12:00am

Wala raw magiging problema kay Prince William kung sakaling maging beki o tibo ang mga anak nila ni Kate Middleton.

Tinanong ang prinsipe tungkol dito sa pag-attend niya ng The Albert Kennedy Trust, isang organization in London that supports young members of the LGBT community experiencing homelessness or living in hostile environments. 

Hindi napigilan ang media na magtanong kung ano ang reaction niya if he finds out that one of his kids comes out gay?

Ayon pa kay William: “I think you really don’t start thinking about that until you are a parent and I think—ob­viously, absolutely fine by me. 

“The one thing I’d be worried about is how they—particularly the roles of my children fill—is how that is going to be interpreted and seen. It is something I’m nervous about—not because I’m worried about them being gay or anything—it’s more about the fact that I’m worried about the pressures, as you know here, that they’re going to face and how much harder their life could be.

“But I fully support, you know, whatever decision they make, but it does worry me, from a parent point of view, how many barriers, you know, hateful words, persecution…that’s the bit that really troubles me a little bit.”

Ilang taon nang sinusuportahan ni Prince William ang LGBT community. Isa siya sa naging spokesperson ng anti-cyberbullying campaign back in 2016.   

Andrea walang limitations kay Derek!

Unang pagbida ni Andrea Torres sa isang GMA teleserye ay dual role siya sa Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2012. Seven years after ay muli siyang gaganap sa isang dual role sa The Better Woman.

Sey nga ni Andrea, alam na niya kung paano paghiwalayin ang dalawang character sa The Better Woman dahil nagawa na niya ito before.

“Noong sabihin nga sa akin nung story confe­rence na dual role ako, natuwa ako kasi I’ve done it before. Hindi siya madaling gawin pero mate-test ang acting mo talaga kasi kailangang mapabilib mo ang audience na magkaiba kayo ng personality.

“Bilang Jasmine at Juliet, talagang malaki ang difference nila sa pagkatao. Pero si Jasmine, hindi siya basta maiisahan ng ibang tao at si Juliet ay hindi siya kasing-sama ng inakala ng maraming tao,” sey ni Andrea.

Hindi na nga raw nai-insecure si Andrea sa kanyang sexy na katawan. Kung noon ay nahihiya siya, ngayon ay kumportable na siyang ipakita ang assets niya.

“I realize na bigay ito ni Lord sa akin. Kailangan ipagmalaki ko. Sabi nga nila, if you have it, flaunt it. Pero dapat professionally. Kung kailangan sa eksena, doon mo lang ibigay.

“Tsaka very sexual ang character dito ni Juliet, kaya walang room para mag-inarte ako. Inaral ko ang mag-pole dancing talaga para ipakita yung sensual aura niya. Kahit na pasaan ako, ang legs ko after ng eksena sa stripper pole, okey lang dahil ang ganda lumabas ang mga eksena. Pero promise, ang sakit sa legs at black and blue ako after. Pero para sa show, titiisin ko ang sakit!” tawa pa ni Andrea.

Pagdating sa love scenes with Derek Ramsay, wala rin daw kiyeme si Andrea.

“Noong tanungin ako kung may limitations ba ako, sabi ko wala! Pero dahil primetime kami, siyempre, may mga batang manonood, kailangan ay tame ang mga lovescenes namin. Mahirap na raw na mamemohan ng MTRCB!

“Ang maganda kay Derek, nag-uusap muna kami bago i-shoot ang isang love scene. Ayaw daw niya yung magugulat ako. Para maganda raw ang reaction ko.

“It’s all professional work. First time namin ni Derek to work with one another at nagkasundo agad kami. Kaya enjoy ang makipag-love scene sa kanya!” malakas na tawa pa ni Andrea Torres.

PRINCE WILLIAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with