^

Pang Movies

Derek umamin sa nangyari sa kanila ng ex

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

It was only last April 3 nang lumagda ang hunk actor na si Derek Ramsay sa Kapuso Network at kasama pa niya noon ang kanyang girlfriend of six years na ngayon ay ex niya na, si Joanne Villablanca. 

Three days later ay bigla na lamang lumabas ang balita na hiwalay na ang dalawa which was later confirmed by Derek himself.

Ang buong akala nga ng marami ay mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Derek at Joanne dahil alam ng malalapit nilang kaibigan kung gaano ka-in love sa isa’t isa ang dalawa.  Katunayan, matagal na silang nagsasama sa iisang bubong kasama ang daughter ni Joanne (sa ibang guy) na si Sophie at kulang na lamang ang basbas ng kasal para maituring silang mag-asawa. Pero tulad din ng long relationship noon ni Derek sa Kapamil­ya actress na si Angelica Panganiban na tumagal ng halos anim na taon, nagkahiwalay din sila.

Samantala, right after ng kanyang pagpirma ng kontrata with GMA nung nakaraang Abril , agad sumabak si Derek sa kanyang kauna-unahang prime­time TV series with the network, ang romance-drama na The Better Woman na pinagta­tambalan nila ng sexy Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz  at nakatakdang magsimula sa darating na Lunes, July 1 pagkatapos ng Sahaya.

GF ni Jolo, mahiyain

Sabay na dumating sa thanksgiving party ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla last Thursday sa Frabelle Corporate Plaza in Makati City  ang actor at vice-governor ng Cavite na si Jolo Revilla kasama ang kanyang girlfriend (o fiancé), ang dating beauty queen na si Angelica Alita na nahihiya pa kapag ipinapakilala ni Jolo sa mga entertainment writers.

Although hindi kinumpirma sa amin ni Jolo ang plano nilang pagpapakasal ni Alita sa darating na December 2019 sa California, ang kasal ay kinumpirma ni Sen. Bong pero hindi ito nagbigay ng iba pang detalye na may kinalaman sa wedding ng dalawa.

Wala ring inamin si Jolo kung engaged na sila ni Angelica pero may suot na diamond ring ang former beauty queen sa kanyang kanang kamay na hinihinalang engagement ring.

Tumagal din ng halos walong taon ang relasyon ni Jolo sa Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na hindi naman mapakasalan ni Jolo dahil hindi pa annulled ang kasal ng actress sa dati nitong mister na si Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson. Ang dalawa ay muling nagkahiwalay nung isang taon.

vuukle comment

DEREK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with