^

Pang Movies

Miss U-Ph na si Gazini hindi panget nang magtanggal ng make up

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Miss U-Ph na si Gazini hindi panget nang magtanggal ng make up
Gazini Ganados

Maganda naman si Miss Universe – Philippines  Gazini Ganados na pumayag magtanggal ng make up sa Tonight with Boy Abunda ni tito Boy Abunda last Tuesday night.

Marami kasing namimintas sa kanya na gumanda lang naman siya sa make up.

In all fairness, matapos niyang i-wipes ang kolorete sa mukha, hindi peke ang ganda ni Ms. Gazini.

Walang pinagbago at parang ang kinis nga ng mukha niya.

Actually napabilib nga si tito Boy sa ginawa nito dahil nga first time daw niyang naka-encounter ng guest na nagtanggal ng make up.

Jake Zyrus nagmukhang bakla sa balbas

Uy mas nagmukhang gay si Jake Zyrus kesa nagmukhang lalaki sa kanyang latest post sa kanyang Instagram account.

Though may mga nagsasabing naging pogi na siya dahil nga may manipis na siyang balbas.

Ano na nga bang nangyayari sa career ni Jake?

Naalala ko noon na nag-shooting daw siya ng pelikula sa Japan na siya ang bida pero parang wala namang balita kung naipalabas na ‘yun o hindi pa.

Sharon at Regine sanib-puwersa sa concert

So ‘yun nga, ang Asia’s Songbird palang si Regine  Velasquez ang ka-back to back concert ni Megastar Sharon Cuneta sa October.

Mismong si Ogie Alcasid ang nagkumpirma nang tungkol dito na ginawang pahulaan ni Ms. Shawie at ng kanyang misis. “#soon #allglorytogod@sharoncunetanetwork@reallysharoncuneta @reginevalcasid,” sabi niya sa picture ng misis at ni Ate Shawie.

vuukle comment

GAZINI GANADOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with