^

Pang Movies

Richard strict ang diet!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard strict ang diet!
Richard Gutierrez

Ang mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez sa Star Cinema office sa ABS-CBN compound kahapon.

Exciting ang meeting ng mag-ina sa big boss ng Kapamilya network na si Inang Olivia Lamasan.

Isa sa mga araw na ito ay ia-announce na ang pelikulang gagawin ni Richard sa Star Cinema.

Ngayong July ay raratsada na sa trabaho ang aktor kaya tiyak na matutuwa ang fans niya na excited for his new projects.

After nga pala ng meeting nila sa Star Cinema ay magkakasama kaming nagpunta sa isang coffee shop at aliw na aliw ako sa mga kuwentuhan ng mag-ina.

Si Tita Annabelle kasi ay panay ang remind kay Richard tungkol sa diet nito dahil may mga sisimulang project nga pero ang Gutierrez matriarch naman ang hindi mapigil sa pagkain, huh!

Pero in fairness to Bisaya kahapon, behaved siya sa pagkain dahil mataas daw ang kanyang blood sugar.

Anyway, going back to Richard, in fairness, very fit siya ngayon dahil talagang pinaghahandaan niya ang mga project na sisimulan na niya sa Kapamilya network.

Aktres hindi mapigilan ang pagtaba dahil sa mga gamot

Hindi pa rin pala nako-control ng isang aktres ang kanyang pagtaba.

May mga pagkakataon daw na nababawasan ang kanyang timbang, pero bumabalik din dahil sa mga gamot na tine-take niya.

Hindi pa rin daw kasi tuluyang gumagaling ang sakit ni aktres, kaya hindi siya puwedeng tumigil sa pag-inom ng mga gamot na inirereseta sa kanya ng kanyang mga doktor.

Kailangan talagang tumigil muna ni aktres sa pagtatrabaho lalo na sa paggawa ng maseselang eksena para tuluyan siyang gumaling.

Sahaya ipapalit sa KM

Finale night na ng Kara Mia ng GMA 7 bukas.

In fairness, naka-19 weeks naman ang series na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Kahit sinasabing hindi nila natalo ang katapat nila na FPJ’s Ang Probinsyano, pinag-uusapan naman sa social media ang Kara Mia.

Samantala sa Monday, heto na ang primetime schedule ng GMA 7: Una ang  Sahaya na sinundan ng The Better Woman at Love You Two.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with