^

Pang Movies

Kathryn ‘di pinayagan sa Eat Bulaga?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kathryn �di pinayagan sa Eat Bulaga?!
Kathryn Bernardo

Tanging sa Sunday PinaSaya ng GMA-7 lang mapapanood si Kathryn Bernardo bilang bahagi ng promotions ng movie nila ni Alden Richards ayon sa mga post sa social media. Sa bahagi naman ni Alden, sa morning shows ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda at Magandang Buhay ang sinang-ayunan ng management niyang puntahan.

Tanong ng ilang netizens, dahil ba nasa Eat Bulaga si Maine Mendoza kaya off limits sa noontime show ang kapareha ni Alden sa Hello, Love, Goodbye? Eh blocktimer naman ng Kapuso network ang EB so walang conflict ‘yon, di ba?

Eh kung hindi puwede, eh, di hindi! Basta sa June 29, magkakaroon ng grand fan meet sina Kath at Alden sa isang mall sa south at isasabay rito ang paglabas ng merchandising items kaugnay ng promo ng pelikula.

Luis at Jessy tatlong taon na

Umabot na sa tatlong taon ang ani­bersaryo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Inalala ni Luis na napilitan lang noon ang GF na niya ngayon na pumunta sa kanyang birthday.

“But look where are we now!!! Ce­lebrating our third year of howhowness!!! Thank you for being who you are and always being there. I love you, 3 down...Forever to go happy anniversary,” caption ni Luis sa Instagram foto nila ni Jessy.

Sinuklian naman ito ni Jessy at inalala rin ang nakaraan nilang pagkikita sa isang birthday ni Luis kung saan nag-usap sila hanggang 6AM. Pero habang kausap niya ang hindi pa BF noon, “I was just staring at your face thinking “why not?” he seems like a nice man.”

Para kay Jessy, si Luis ang lalaking, “A man who will fight for me, take care of me and see me through rough times. God knew I needed someone like you in my life...”

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with