^

Pang Movies

Aura ni Marian umaapaw sa kaligayahan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Aura ni Marian umaapaw sa kaligayahan
Marian Rivera

Ang saya-saya dahil after giving birth to her second child, Ziggy, nagpakita si Marian Rivera sa publiko para sa presscon ng kanyang bagong endorsement, ang Kultura jewelry na isang magandang investment dahil bukod sa affordable ang presyo, magaganda ang mga design ng pearls na collaboration niya at ng Kultura.

Sa true lang, hindi pa excited si Marian na magbalik-trabaho dahil enjoy na enjoy siya sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Advocate din si Marian ng breast feeding kaya mahirap sa kanya ang mapalayo kay Zig.

Parang hindi nanganak si Ma­rian nang umapir ito sa presscon ng Kultura jewelry dahil seksing-seksi na siya. Bilib na bilib kay Marian ang showbiz press dahil pumayat agad siya at glowing ang beauty niya.

Ang glow of motherhood ang isang bagay na nakadaragdag sa beauty ni Marian. Iba talaga ang fulfillment na dala ng pagiging ina at kitang-kita sa aura ni Marian na wala nang mahihiling pa. May mga cute siya na anak at very responsible and loving na asawa.

Kasama ang mga pari at madre, AiAi successful ang concert kahit binagyo!

Tawa ako nang tawa sa kuwento ng aking kasambahay na si Celia tungkol sa recent concert ni AiAi Delas Alas sa Smart Araneta Coliseum.

Si Celia ang nanood ng benefit concert ni AiAi sa Big Dome noong June 24.

Ang Kristong Hari Parish sa Commonwealth Avenue, Quezon City ang beneficiary ng concert para madagdagan ang pondo sa simbahan na ipinatatayo at tinutulungan ni AiAi.

Naloka si Celia dahil late na raw nang mag-umpisa ang concert na mga pari at madre ang mga unang performer.

Past 11 pm na raw nang lumabas at mag-perform si Alden Richards.

Dahil sa malakas na ulan, kulog at kidlat, hindi na hinintay ni Celia ang ibang mga guest star.

Type pa naman ni Celia na mapanood ang pagkanta ni Julie Anne San Jose dahil ito ang kanyang favourite singer-actress.

Hanga ako kay AiAi dahil talagang buong puso ang pagtulong niya sa pagpapatayo ng simbahan. Karapat-dapat siya sa Papal award na ipinagkaloob sa kanya.

At imagine, Lunes nang gabi ang concert at masama ang panahon pero punong-puno ng audience ang Smart Araneta Coliseum.

Bongga talaga si AiAi na tuwang-tuwa at nagpapasalamat dahil success ang concert niya para sa construction ng simbahan. At the same time, celebration ng kanyang 30th anniversary sa showbiz.

Samantala, hindi ako magtataka kung magkaroon uli si AiAi ng another benefit show para sa Kristong Hari Parish Church dahil malaking halaga pa ang kulang.

Ang dinig ko, P250 million pa ang kailangan bago matapos ang construction ng Kristong Hari Parish.

Napakalaking halaga ng P250 million pero sa tulong ng faithful Roman Catholics, maliit lang ang naturang amount.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with