Jolo bitbit na hanggang Malacañang ang magiging misis
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

Nanumpa na kahapon sa Malacañang ang mga nanalong bagong senador na magsisimulang umupo sa kanilang posisyon simula July 1.

Kasama ng 12 new senators ang kani-kanilang pamilya sa panunumpa kay Pangulong Duterte.

At bongga dahil part of the family na talaga ni Sen. Bong Revilla ang girlfriend ni Jolo Revilla na si Angelica Alita. Yup, present sa panunumpa sa bagong term ng senado ni Sen. Bong sina Bacoor Mayor Lani Mercado at si Jolo and Angelica at ang anak nitong si Gab sa anak ni Rosanna Roces.

Matagal nang nababalita na ikakasal na sila Jolo at Angelica.

Nanumpa na nga rin pala sa kanyang position bilang mayor ng Antipolo City si Andeng Ynares na ngayon ay si Hon. Andrea Bautista-Ynares.

John Lloyd kamukha na ng direktor

Naging kamukha ni Direk Dan Villegas si John Lloyd Cruz sa latest photo nito sa ini-endorse na isang pagkain.

As in yung buhok, tawa at suot na sumbrero, parang ang director na ang actor.

Pero sa mga nagkalat na photo ngayon ng actor, maiksi na ang buhok niya at malinis na ang hitsura.

JOLO REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with