Kathryn Bernardo, Alden Richards
Pagbisita ni Alden sa ABS, nag-trending
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

Nag-trending agad sa Twitter ang pagbisita ni Alden Richards kahapon sa ABS-CBN. Pati ang mga larawan at videos na naglabasan sa social media ay naging viral agad.

Tumapak si Alden sa ABS-CBN compound para sa promotional shoot ng movie ng Hello, Love, Goodbye under Star Cinema. Sinamahan siya ng kanyang leading lady na si Kathryn Bernardo.

Makikita sa mga larawan at videos ang napakagandang pag-welcome kay Alden ng ABS-CBN and Star Cinema executives kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang mga fans at komento nila, tratong Hari raw ang ibinigay sa kanilang idolo.

Makikita sa mga larawan at videos na umakyat sina Alden at Kathryn sa Star Cinema office. ABS-CBN News reported that the two were blessed by a priest and prayed for the success of the film.

Sinalubong si Alden ng Star Cinema bosses and employees headed by Managing Director Olivia Lamasan na mahigpit siyang niyakap.

Pagkatapos ay nag-courtesy call sina Alden at Kathryn sa ABS-CBN bosses na sina Carlo Katigbak (CEO and President) at Mark Lopez (Chairman).

Tuwang-tuwa rin ang mga fans ni Alden kay Kathryn sa mainit na pag-estima sa aktor sa loob ng ABS-CBN.

Habang naroroon si Alden ay nag-trending na agad sa Twitter ang hashtag na #HelloLoveWeAreLive. Sa Facebook page naman ng Star Cinema ay live na napanood ang nasabing pagbisita ng aktor.

Gabby ‘di na makapaghintay sa magiging anak ni Andi

Ipinakita ni Gabby Eigenmann ang suporta at pagmamahal sa younger sister na si Andi Eigenmann nang dumalo siya sa baby shower nito kamakailan.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang IG account ang mga larawan nila na kuha sa event at sa caption, aniya ay hindi na siya makapaghintay sa paglabas ng bago niyang pamangkin.

“Few more weeks.. cant wait.. love you andeng,” ang caption ni Gabby.

Hindi rin nakalimot ang aktor na batiin si Andi sa kaarawan nito kahapon, June 25. Ipinost naman niya ang kanyang birthday greetings sa kanyang IG Story.

Kasalukuyang dinadala ni Andi ang second baby girl niya and first baby naman with surfer boyfriend Philmar Alipayo. Matatandaang ang panganay ng aktres na si Ellie ay anak niya kay Jake Ejercito.

Makikita sa mga larawan na malaki na ang tiyan ni Andi at malapit na talagang manganak.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with