Judy Ann Santos
Raymart papalitan sa Starla ni Judy Ann?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

Kasama si Joem Bascon sa cast ng bagong series ng ABS-CBN na Starla, which will have Judy Ann Santos playing the title role.

Ang hindi tiyak ng nagbalita sa amin ay kung ang lead actor pa rin ng teleserye ay si Raymart Santiago. As it is nga kasi, very prominent ang role na ginagampanan ni Raymart sa ongoing top series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin kung saan tampok din ang kapatid niyang si Rowell Santiago.

Samantala, nakatapos na raw ng isang pelikula si Joem with Iza Calzado, ito ay ang Culion. It’s Joem’s second movie raw with Iza, nakasama na niya noong 2007 sa pelikulang Batanes: Sa Dulo Ng Walang Hanggan ang aktres.

Actually, Joem will be busier this year, as he is also in the series, Full Swap, produced by Cignal TV. And there is also TBA Studios’ Write About Love.

Brillante Mendoza also has tapped him to play an important role sa action film na kanyang ididirek, Lupang Hinirang.

Tommy nawalan ng trabaho

Remember Tommy Esguerra, a Pinoy Big Brother graduate in year 2017?

Well, to recall, pinakaguwapo siya among sa mga housemate ni Kuya that time at Inglesero rin siya, since he grew up in California.

His Mom is a Sarte, isang Bicolana.

In any case, while inside Kuya’s house, na-link siya sa dalagang ina na si Miho Nishida, na ang ex ay isang Japanese kaya sa Japan siya naninirahan with her kid and mother.

Of Tom, nakasama siya sa reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na Three Words To Forever, kung saan gumanap siyang manliligaw ni Kathryn Bernardo.

Sadly, after Three Words…, ‘di na muli siyang nagkaroon pa ng project.

Wonder if this is the reason why ayaw ‘daw muna ni Tommy sa showbiz, diumano due to depression.

Gabby gustong mag-ala-Eddie ang career

To his death, at aged 90, Eddie Garcia never thought daw of retiring from showbiz.

Kaya raw minsan, nilapitan ito ni Gabby Concepcion at binanggit ng younger actor that he would like to last in the industry for as long as Eddie has been. The late Eddie quipped daw: “Let’s cross the bridge when we get there.”

One of Gabby’s last movie with Eddie was When The Love Is Gone, which also starred Cristine Reyes.

Cristine feel na feel ang pang-aapi

of Cristine, she seems at home na with her role as kontrabida in the series, Nang Ngumiti Ang Langit.

Hate na hate tuloy siya ng mga batang nanonood na madalas ng series dahil sa walang habas niyang pang-aapi sa child-actress na si Sophia Reola. Mabuti na lang at ‘di yata pinanonood ng anak ni Cristine na si Amarah, seven years old, ang series.

For those of you who doesn’t know it yet, official nang hiwalay si Cristine sa ama ni Amarah na si Ali Kathibi.

Meanwhile, this year daw nakatakdang ipalabas ang movie nila ni Xian Lim, na kinunan ang kabuuan sa T’bilis in Georgia.

For her role in the movie, titled Untrue nga pala, Cristine had to shave half of her hair and the remaining looks ay pinakulayan niya ng pula.

In the case of Xian, nagpahaba siya ng balbas.

Ayaw magbigay ng kahit sino kina Cristine at Xian, kung ano ang kuwento ng movie, except ang producer daw nito ay ang Viva Films.

Director is direk Sigrid Andrea Bernardo, who directed the box-office hit movie, Kita Kita and Ang Huling Cha Cha Ni Anita.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with