Kim Chiu
Kim, ‘direk’ na ang turing kay Xian
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

Ang “congrats direk” na comment ni Kim Chiu para sa boyfriend na si Xian Lim na busy sa post-production ng dinireheng pelikulang Tabon na entry sa 2019 Cinemalaya. Sinagot ni Xian ng “ahmishu” ang GF.

Nag-post kasi si Xian ng photo niya habang nasa studio siya.

Pinost din ni Xian ang logo ng Cinemalaya2019 at may caption na “#Cinemalaya2019 let’s go! Full trailer soon!” at ang poster ng Tabon na nakalagay na hindi lang director ng movie si Xian. Ang actor din ang may story at screenplay at ang kanyang XL8 Productions ang producers.

Napansin namin, hindi sa popularity pinili ni Xian ang cast ng Tabon kundi sa husay umarte. Bida si Christopher Roxas na husband ni Gladys Reyes at kasama sa cast sina Leon Miguel, Benjie Felipe, Meggie Cobarrubias at Dexter Doria.

Nabalita noon na nag-enroll ng scriptwriting kay Ricky Lee si Xian bilang paghahanda sa pagdidirehe ng Tabon. Kaya may rason maging proud si Kim kay Xian. Imagine, director, scriptwriter at producer ang dyowa.

Attention Marian, Cherie type gumawa ng sexy movie kapareha si Dingdong

Binati ng Kapuso viewers ang members ng council ng Starstruck na sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Cherie Gil dahil mga artistahin at may talent ang pinili nilang mapasama sa Final 14. Magaling daw pumili at sumala ng talent ang tatlo.

Hindi pa nagtatapos ang trabaho ng tatlo sa pagpili ng mapapasama sa Final 14, nagsisimula pa lang sila at mas mahirap ang mga darating na araw hanggang sa piliin nila ang Male at Female winners.

Naalala namin, ibinalita ni Cherie sa presscon ng Starstruck na may movie offer sa kanya  na mala-Glorious at nabanggit ang mga pangalan nina Jericho Rosales, Gerald Anderson at Dingdong Dantes sa pwede niyang maging kapareha.

Sa tanong kung bakit ang tatlo ang napili niya, ang sagot ni Cherie dahil bagay ang edad ng tatlo sa edad niya. “Dingdong is so gwapo, bakit hindi?” sagot ni Cherie.

Sharon pahulaan ang ka-back to back sa concert

Sino kaya ang na-blind item ni Sharon Cuneta na makaka-back-to-back niya sa isang concert na gagawin sa October? Walang ibang detalyeng binigay si Sharon at ang sabi lang, “SPECIAL NOTE: You might want to start saving for a biiig back to back concert on October 18! Wait for photos and further announcements!”

Bukod sa announcement sa concert na gagawin sa October, pinansin ng followers ni Sharon ang kanyang pagpayat. Marami ang na-inspire sa ginawa niya at nagtatanong ng diet regimen ni Sharon.

Kaya lang, hindi siguro nito nagustuhan ang comments ng ibang fans na dahil sa malaking ipinayat, bagay na silang magtambal uli ni Gabby Concepcion.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with