^

Pang Movies

Derek excited sa kaseksihan ng serye nila ni Andrea

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Derek excited sa kaseksihan ng serye nila ni Andrea
Derek Ramsay, Andrea Torres

Matagal na ring walang ginawang movie o TV show si Derek Ramsay, simula nang umalis sa TV5 kung saan siya naka-contract. Kaya nang lumipat siya sa GMA Network early this year, marami nang naghihintay ng first teleserye niyang gagawin dito.

Nang lumabas ang GMA Summer Station ID, alam na ng netizens na sigurado na ang project ni Derek. Kasunod na nga nito ang look test niya at siya na rin ang nagsabi, na ang first teleserye niya will be entitled The Better Woman at katambal ang sexy actress na si Andrea Torres.

At ngayon na ipinalalabas na sa GMA-7 ang teaser ng The Better Woman na dinidirek ni Mark Sicat dela Cruz, marami nang excited na mapanood si Derek na matagal na raw nilang nami-miss.

Sa primetime telebabad ng GMA-7 mapapanood ang The Better Woman. Ano ang naging reaction ni Derek nang magsimula na sila ng taping ng sexy teleserye? “I like the project, it’s very risky, very different and I got challenged. I don’t want to be safe. I love challenges and this is the project that I feel that is best for me.”

Umani na ng libu-libong likes and views ang teaser nito kaya post ni Derek sa kanyang Instagram account, “Im very excited for this project.  Hope all of you enjoy our show. It’s been really tough doing it but definitely worth it.”

Subok na ang husay ni Derek sa pag-arte, kaya naman siniguro niya na magugustuhan ng manonood ang The Better Woman na magsisimula na sa first week of July.

Kathryn sinalubong si Alden sa ABS-CBN

Paisa-isa na rin ang pagpu-promote nina Alden at Kathryn Bernardo ng first team-up nila sa Star Cinema ng Hello, Love, Goodbye na sa July 31 ang showing nationwide. After maipalabas ang teaser ng movie na dinirek ni Cathy Garcia-Molina at ang launch ng official trailer nito, kahapon naman ay nagkaroon sila ng live chat sa Star Cinema Facebook, na napanood at 4:00 pm.

Pero bago iyon ay nag-shoot muna sina Kath at Alden ng video plugs or digital shoots para sa promo ng movie at biro ni Alden “medyo surreal po na nandito ako sa ABS-CBN” na sinagot naman ni Kath ng “welcome, Kapuso.”

Alden sinuportahan ang mga kaibigang adik sa Mobile Legends

Last weekend, dalawang gabing nanood si Pambansang Bae Alden Richards ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2019 sa Araneta Coliseum. Ito ang libangan ni Alden kapag medyo maluwag-luwag ang schedule niya. Pero hindi siya sumali, sinuportahan lamang niya ang mga kaibigang player. Happy naman ang fans na nakakita sa kanya sa Big Dome nang pumayag siyang magpakuha ng picture sa kanila.

Pagkatapos ng championship, isinama ni Alden ang mga naglarong friends niya sa Concha’s Garden Cafe niya sa Quezon City for dinner.

Last Monday evening naman nasa Araneta muli si Alden, to perform sa benefit concert ni AiAi delas Alas para sa patuloy na pagpapatayo ng simbahan ng Kristong Hari sa Novaliches, Quezon City.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with