Ruru
Ruru kabado para sa kapatid
Joe Barrameda (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Finally ay nasa final phase na ang preparasyon para sa local adaptation ng Descendants of the Sun na pagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Pero paano kaya nila sisimulan ito gayung may Love You Two pa si Jen?

Either i-cut short nila ang Love You Two o humanap sila ng replacement ni Jen. 

Sa MOA signing ng GMA at AFP ay dumalo sina Dingdong, Rocco Nacino at Jasmine Curtis. Teka busy din si Jasmine sa movie nila ni Ruru Madrid under APT na nag-start na ang shooting? Sabagay nasa schedule nila yan.

Samantala, sobrang kaba ang naramdaman ni Ruru noong manood siya ng Starstruck preliminary competition kung saan sinuportahan ang kapatid na si Rere Madrid. Mabuti na lang at nakuha ni Rere ang isa sa mga spot ng Top 14 kung saan pipili ng Male at Female Ultimate Survivors. Nakahinga lang daw si Ruru nang matawag ang kapatid.

Kaya nananawagan si Ruru na iboto ang kapatid na si Rere para manatili sa race. Every week kasi maglalaglag ng isa base sa mga council at text votes. Text ¨STARSTRUCK RERE¨ to 4627 para iboto si Rere.

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with