Ex ng aktres na buntis na sa isang basketbolista, may bago na ring dyowa!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

Pamilyar ang mukha ng isang guy na nakasabay ko kahapon sa isang restaurant sa Rockwell sa Makati City.

Nginitian ako ng guy na may kasamang babae.

Actor/politician ang guy na ‘yon na ang tatay ay artista rin.

Ang babaeng kasama kaya ni actor/politician ang bagong babae sa buhay niya pagkatapos na mapunta sa isang PBA player ang actress na ex-girlfriend niya?

In fairness, maganda ‘yung babaeng kasama ni actor/politician, huh!

Ano kaya ang masasabi ng actress na ex-girlfriend?

Ay, buntis na si actress at masayang-masaya na ito sa piling ni PBA player, kaya posibleng dedma na siya, ‘noh?!

Darling of the Press sa Miss Earth na si Alexandra Dayrit, impressive ang credentials

Si Alexandra Dayrit ang nakakuha ng bronze medal bilang “Darling of the Press” sa press presentation ng Miss Earth Philippines noong Monday.

Ateneo graduate (cum laude) si Alexandra at mara­ming nakakakilala sa kanya dahil niece siya ni CEB (Cinema Evaluation Board) Chairwoman Christine Dayrit.

Ang pamilya rin ni Alexandra ang may-ari ng Gold’s Gym kung saan ay vice president for marketing ang kanyang position.

Artistahin ang dating ni Alexandra.

Sa July 10 ang grand coronation night ng Miss Earth Phi­lippines at gaganapin ‘yon sa Okada Manila.

Lani at Martin epektib pa rin sa concert

Sina Martin Nievera at Lani Misaluchu sa Doha, Qatar.

Sabay silang umalis kasama ang producer nilang si Anna Puno noong Monday after lunch.

May show sila bukas sa Aspire Ladies Sports Hall.

Sa June 29 naman ang show nila sa Bahrain at July 5 naman sa Dubai ang World Alliance concert nila.

Effective na magkasama sa concert sina Martin at Lani.

Karla sumeseksi!

May mga nakakapansin na medyo pumapayat na si Karla Estrada.

Mahilig kasing mag-boxing ang nanay ni Daniel Padilla. Tuluyan kayang sumeksi uli si Karla?

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with