^

Pang Movies

Kathryn kinawawa, walang glamour sa pelikula nila ni Alden

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kathryn kinawawa, walang glamour sa pelikula nila ni Alden
Kathryn Bernardo

Domestic helper ang role ni Kathryn Bernardo sa movie nila ni Alden Richards na Hello Love Goodbye kung hindi mali ang aming interpretasyon sa aming mga nababasa sa social media.

Kung DH, eh first time ni Kathryn na gampanan ang ganoong role. Kaya pala may nabasa kaming pinahirapan talaga siya upang maisapuso ang character niya. 

Eh balita naming nagkaroon ng connivance ang prod team with the permission of Direk Cathy Garcia Molina na “pahirapan” si Kath. Deglamorized din ang hitsura ng young actress kaya in character lahat siya sa kanyang mga eksena, huh!

‘Anak’ at ‘asawa’ raw ni Alden, idinenay ng tatay ng aktor!

Napundi na marahil ang tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, Sr. kaya isang tweet na tila galit ang pinakawalan kahapon bilang tugon sa mapanirang tweets ng ilang netizens.

“This is the truth. Wala po akong manugang, walang apo, walang kasal na naganap. Please po. Stop it. Thank you.”

May ilang kampo kasing naglalabas sa social media na kapag nagpapakuha sila ng picture, may binabanggit na apo at manugang na kasama ni Alden. Syempre mas may alam ang daddy ni Alden sa nangyayari sa buhay ng anak kesa sa ibang tao, huh!

Feeling ng iba naman, inaatake ng demolition campaign si Alden dahil malapit na ang showing ng movie nila ni Kathryn, huh!

Eh kapag naging blockbuster nga naman ito, bobongga ang career ng Pambansang Bae! 

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with