^

Pang Movies

Juday hindi nag-iisa sa panghihinayang na hindi nakatrabaho si Eddie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Juday hindi nag-iisa sa panghihinayang na hindi nakatrabaho si Eddie
Judy Ann Santos

May dahilan talaga para malungkot at manghinayang si Judy Ann Santos dahil sa matagal na panahon ng pagiging artista niya, hindi siya nabigyan ng chance na makatrabaho si Eddie Garcia.

Imagine, nag-umpisa ang acting career ni Judy Ann bilang child actress pero ni minsan, hindi niya naging co-star si Eddie sa pelikula at mga teleserye.

I’m sure, hindi nag-iisa si Judy Ann dahil may ibang mga artista na dismayado. Hindi sila nagkaroon ng karangalan na makasama sa project ang sumakabilang-buhay na award-winning at respected actor.

Kung thankful man si Judy Ann, nakausap at nakapag-shake hands siya kay Eddie noong alive pa ito.

Command responsibility, forever na!

Biglang pumasok sa isip ko ang command responsibility. ‘Yun bang kapag lumubog ang barko, namatay ang mga pasahero at naiwan na buhay ang kapitan.

‘Yung nabangga ang sasakyan, namatay ang mga nakasakay pero buhay ang driver. Sa mga disgrasya na ganyan, kahit hindi kasalanan ng kapitan ng barko o ng driver ng sasakyan, sila ang sinisisi at dapat managot.

Totoo, maaari na nagkaroon sila ng mga pagkukulang pero hindi ba biktima rin sila? Kung ayaw ng mga mahilig maghanap ng sisi ang nangyari, sure ako na hindi rin ‘yon gusto ng mga kapitan at driver.

Naaawa tayo sa mga nasaktan at namatay pero kawawa rin ang mga sinisisi dahil lahat sila ay biktima.

Kung naawa tayo sa mga nasaktan, dapat na maawa rin tayo sa mga nakaligtas sa sakuna dahil sila ang mga pinagbubuntunan ng galit.

Forever guilty feeling na ang nararamdaman nila dahil sila ang habambuhay na sinisisi.

Masasakit na salita ang mga natatanggap nila at baka nga at the back of their mind, iniisip nila na namatay na rin sana sila dahil sa mga paghuhusga sa kanila.

Tandaan natin na biktima ang lahat ng mga nasangkot sa aksidente, hindi lamang ang mga nasaktan o namatay dahil mas matindi ang bigat ng kalooban na dinadala ng mga nabuhay at nakaligtas.

Sila ang sinisisi, may mga nagagalit sa kanila at nakatatak sa utak nila ang nangyari. We don’t console with the dead alone, we must also understand the living, ang suffering nila inside, ang sakit na dala nila for life. We should also pray for them dahil pare-pareho sila na victims.

Pangit na mga pangyayari sunud-sunod sa daan!

Nakakatakot naman ang nangyari sa isang truck na bumabaybay sa Roxas Boulevard.

Lumubog ang truck sa kalye na ang nasa ilalim ay sewerage sa tapat ng Aristocrat restaurant.

Ang sabi ng truck driver, inakala niya na kinain sila ng lupa dahil sa biglang paglubog ng kanilang sasakyan.

Kaloka na umaandar ang sasakyan na biglang lumubog sa kalye. Naku please ayusin agad ‘yan dahil para hindi na maulit.

Kung anu-ano na talaga ang nangyayari sa ating paligid. Huwag na nating hintayin na masundan pa ang pangit na insidente at ang scary effect ng naganap na pagkain ng lupa sa sasakyan na akala natin, napapanood lang sa mga eksena ng mga pelikula pero nagaganap na rin sa tunay na buhay.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with