^

Pang Movies

Ruffa napaiyak nang maalala ang pagiging battered wife

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa napaiyak nang maalala ang pagiging battered wife
Ruffa Gutierrez

It’s a working birthday for Ruffa Gutierrez yesterday.

Alam mo ba, Ateng Salve, teary-eyed si Ruffa sa Avon Vital Voices Media Session na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel.

Nag-attend doon si US Ambassador Sung Kim.

Naalala ni Ruffa ang pagiging battered wife noong araw hanggang bumalik na siya ng bansa.

Habang may ibang nagsasalita, pumatak ang luha ni Ruffa, pero ayaw niyang siya ang ma­ging center of attraction kaya pinunasan daw niya kaagad ‘yon.

Pinigilan din ni Ruffa na mas mapaiyak, kaya emotional siya nang matapos ang event ng Avon.

Kuwento pa ni Ruffa sa akin, naalala rin daw niya na ang Avon ang isa sa mga kumuha sa kanyang serbisyo noong magbalik siya sa bansa.

“Since 2007, I’m with Avon na. So grateful sa kanila,” sabi ni Ruffa.

Kagabi, may birthday dinner sana si Ruffa with her family and some friends, pero hindi na niya ‘yon itinuloy.

Panay nga pala ang payo ni Annabelle Rama na tigilan ni Ruffa ang kakakain dahil magsisimula na siya ng taping para sa Love Thy Woman ng ABS-CBN.

Lovi sa UK naman maglalagi!

Ang bongga ni Lovi Poe dahil kababalik lang niya sa bansa mula sa ilang buwang pananatili sa Amerika ay nasa London, United Kingdom naman siya.

Babalik din daw kagad si Lovi sa bansa.

May mga project na si Lovi na inihahanda dahil noong bumalik siya sa bansa ay kaliwa’t kanan ang meetings nila ng manager niyang si Leo Dominguez.

May ilang endorsement deals din siya na nag-renew.

Dahil sa traffic, MJ walang inabutan sa birthday ni Ruffa

Ang beauty queen/actress na si MJ Lastimosa sa The Best Night Ever birthday dinner concert ni Ruffa sa The Marriott Grand Ballroom noong Saturday night.

Walang inabutang show si MJ dahil na-late siya.

Galing pa raw siya sa taping sa Quezon City at na-traffic.

Sumama naman siya sa “after party” sa BGC (Bonifacio Global City) kasama si Ruffa at ilang friends nila.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with