^

Pang Movies

MayWard may anniversary concert

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
MayWard may anniversary concert
Maymay Entrata at Edward Barber

Hindi na makapaghintay ang fans nina Maymay Entrata at Edward Barber dahil magkakaroon ng bonggang concert ang MayWard para sa kanilang 3rd year anniversary celebration ng love team ng dalawa.

Sa tatlong taon ng Mayward ay hindi nawalan ng project ang magka-loveteam na mapa-TV, Ads, serye, movie, album, modeling at ngayon ay concert na gaganapin sa September 27, 2019 sa New Frontier Theater.

Malayo pa lang ang date pero pinag-iipunan na ito ng solid fans ng MayWard ang kanilang pasabog.

Ang concert ay magsisilbing pasasalamat ni Maymay sa kanyang natatanggap na blessings na inaalay nito sa mga fans na walang sawang nagbibigay  ng tiwala at suporta sa kanya.

Humble si Maymay na aminado na hindi pa raw “sapat” ang  kanyang talent sa pagkanta, pero challenge ito para sa kanya na nakakatikim ng mga lait ng mga bashers. Pero hindi sumusuko si Maymay para patunayan ang kanyang sarili lalo sa darating nilang concert. Thankful ang komedyana sa supporters ng team MayWard lalo na kay Dodong na si Edward at sa pamilya ng ka-loveteam na ang sweet na pamilya rin ang turing sa kanya.

vuukle comment

EDWARD BARBER

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with