^

Pang Movies

Eddie maraming naiwang quotable qoutes!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Eddie maraming naiwang quotable qoutes!

Dalawa sa mga alaga ko ang seryoso sa kanilang plano na pagsusulong ng panukala para maging National Artist si Eddie Garcia, ang newly-elected senator na si Bong Revilla, Jr. at re-elected congressman Alfred Vargas.

Parehong naniniwala sina Bong at Alfred na karapat-dapat na tanghalin na National Artist si Eddie dahil sa napakalaki na kontribusyon nito sa industriya ng pelikulang Pilipino.

I am very sure, walang kokontra sa gagawin nina Bong at Alfred dahil deserving talaga na i-declare na National Artist ang premyadong aktor, ang other King of Philippine Movies.

May mga nagsasalita naman na kung pagkakalooban si Eddie ng National Artist award, dapat noong nabubuhay pa siya, hindi noong binawain ng buhay ang legendary actor.

May kasabihan tayo na huli man at magaling, naihahabol din. Hindi pa naman huli ang lahat para parangalan si Eddie na National Artist dahil matagal nang dead si Gat Jose Rizal nang ideklara ito bilang National Hero ng Pilipinas ‘di ba?

Suportado rin ng Star for All Seasons at ni Lipa City District House Representative Vilma Santos ang panukala ni Alfred na gawin na National Artist si Eddie Garcia.

Alam ni Vilma na may karapatan si Eddie na maging National Artist dahil matagal na silang magkakilala at nagkasama sa maraming pelikula.

May mga nagnenega naman sa mga artista na nagpo-post sa social media ng unforgettable memories nila noong nabubuhay pa si Eddie Garcia.

Wala akong nakikita na masama sa mga artista na nagbibigay ng tribute kay Eddie dahil kung totoo naman ang kanilang mga ibinabahagi sa publiko, walang masama.

Para sa akin, hindi pakikisawsaw o pagsakay sa isyu ang ginagawa ng mga artista na nakakaranas ng mga batikos. Malay ba natin kung talagang close sila kay Eddie at saka hindi naman mortal sin na magbigay-pugay sa isang showbiz icon na hinahangaan at nirerespeto?

Kung nasaan man ngayon si Eddie, sure ako na happy ito dahil buhay na buhay ang kanyang mga alaala, kahit wala na siya.

Ironically, walang pakialam si Eddie sa legacy at sinabi niya ito sa interview sa kanya na lumabas noon sa Esquire magazine.

“When your time is up, you’re dead, people forget about you...I don’t care about legacy,” ang nagpapakatotoo na sabi noon ni Eddie.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga quotable quote ni Eddie na dapat matutunan ng mga youngstar na hindi sineseryoso ang kanilang acting career.

Marangal at hindi madali na propesyon ang pag-aartista dahil dapat na minamahal at pinahahalagahan ito.

Higit pa sa pagkakaroon ng mataas na talent fee at pagiging sikat ang propesyon na kinamatayan ni Eddie na minsan nang nagsalita noon na “I will die acting.”

“I’m usually earlier than the call time. Because my motto is, “What you could do today, do it now, so you could do something else tomorrow.

“To me, an award is a bonus for a job well done. You do it well, maybe you win an award. That’s it.

“When you’re given a role, it’s the best recommendation for your next project.”

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with