Mother Lily Monteverde
Mother Lily type mag-perform sa concert ni Annabelle
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 24, 2019 - 12:00am

Si Mother Lily Monteverde sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City kahapon.

May nagpa-piano sa baba ng mall, kaya naki-piano ang Regal Entertainment, Inc. producer.

Twice nag-piano si Mother Lily at maraming shoppers ang nagulat sa galing niyang tumugtog.

May mga nagpapa-picture rin kasama si Mother Lily.

Kilala bilang kakaibang “character” ng showbiz si Mother Lily at isa siya sa mga dahilan kung bakit very colorful ang Philippine showbiz!

Hindi maisusulat ang history ng Philippine showbiz kung hindi mababanggit si Mother Lily!

Pagkatapos mag-piano ni Mother Lily, nag­tsikahan kami kasama ang anak niyang si Roselle Monteverde.

“Sabi ni Bisaya (Annabelle Rama), kukunin niya ako sa show niya. Dapat kunin na niya ako sa next show niya,” sey ni Mother Lily at tamang-tama naman na biglang tumawag si Bisaya.

Nag-usap sila sa cellphone at sabi ni Bisaya, next show niya ay performer na si Mother Lily.

Sabi naman ni Mother Lily, “Bisaya should talk to Roselle. She’s my manager! Hahaha!”

Wow!

Bagong ka-loveteam ni Kisses, ipina-survey muna

Dahil buwag na ang DonKiss love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, hinahanapan pala ng Regal ng tamang makakapareha ang young actress.

Nagpa-survey nga ang group ni Roselle kung sino ang dapat nilang ipareha kay Kisses.

“She’s doing a movie for us. Kaya nagpa-survey kami at si Jameson Blake ang gusto ng fans,” sey ni Roselle.

Nakakuha si Jameson ng 56%, 11% naman si Grae Fernandez, 19% si Tanner Mata ng PBB at 14% naman ang nakuha ni Teejay Marquez.

Si Jameson na nga raw ang magiging leading man ni Kisses dahil sa result ng survey nila.

Kasama sa pelikula si AiAi delas Alas at D’ Ninang ang magiging title no’n.

Nag-aaral ngayon sa De La Salle University si Kisses at Tuesday, Thursday and Saturday lang ang pasok niya, kaya inayos na raw nila ang shooting schedule.

Pelikulang Pilipino kumokonti na

Every Monday ang regular review ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Komokonti na ang pelikulang Pinoy, kaya today ay wala silang ire-review para i-grade.

Last week, wala rin silang ni-review.

Patuloy pa ring sinasabi ng mga taga-showbiz na suportahan ang pelikulang Pinoy para lumakas ito!

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with