Baby pictures ni Daniel ikinalat ni Karla
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - June 23, 2019 - 12:00am

Ewan kung ano ang dahilan ni Karla Estrada sa paglalabas sa TV ng mga baby pictures ni Daniel Padilla. But no matter what her reasons are, nagugustuhan ng mga nakakakita, at ikinatutuwa ang napaka-cute na video ng Teen King. Noon pala ay kita na agad sa pag-aartista mauuwi ang anak nina Karla at Rommel Padilla. O baka ginagawa ito ni Karla para lamang mapanatili sa kaisipan ng lahat si Daniel na bukod sa paggawa ng TVC kasama si James Reid at pagkanta ng anniversary song ng Cinema One ay walang movie o TV projects.

Anne inaabangan Ang Reaksyon kay Park Bo-gum

Nagawa kayang mabuti ni Anne Curtis ang paghu-host ng fan meeting ng sikat na Korean actor na si Park Bo-gum? Baka kasi na-side track siya sa kanyang love for anything Korean. Isang avid fans ng mga Korean show and artists ang host ng It’s Showtime at pumunta pa ito ng Hong Kong para makita si Gong Yoo. Speaking of our latest Korean celeb visitor, hindi ko na siya mamukhaan sa ginawa niyang seryeng Love in the Moonlight. Mature na ang looks niya pero, kapuri-puri ang kaalaman niyang mag-Ingles. Mabilis siyang makakapag-communicate para mas sumikat pa sa mga fans niya na marunong din ng lengguwahe ni Uncle Sam.

Bagong video ni Madonna may bahid ng pulitika?

Ano naman kaya ang motibo ng mga nasa likod ng music video ni Madonna sa pagtatampok sa Rappler CEO na si Maria Ressa sa nasabing video? Parang may bahid pulitika ito at dito lang ba ito mapapanood sa bansa?

Horror movie ni Jodi ilalabas din sa abroad

Baka maunahan pa ni Jodi Sta. Maria na makilala internationally ang marami nating local stars na nagmimithi at gumagawa ng paraan para makilala sa abroad, lalo na sa US. Ipalalabas dito ang horror film ni Jodi na Clarita sa susunod na buwan. Hinuhulaan din na sa pelikulang ito makakakuha ng maraming nominasyon sa pag-arte ang nagdu-doktorang aktres sa direksyon ni Derick Cabrido.

DANIEL PADILLA KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with