Derek binuko ng kakilalang minumura ang mga kasambahay
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Pansin namin, karamihan sa bashers ni Derek Ramsay ngayon ay mga babae, mula ito nang maghiwalay sila ng ex-GF nitong si Joanne Villablanca. Ang nakakatuwa pa, neighbor at ka-village pa ni Derek ang isa sa matinding basher ng aktor at mukhang kilala pa ni Derek.

Tinawanan lang ni Derek ang sinabi ng basher na laos na siya at ang GMA-7 na lang ang makakatulong sa kanya. Hindi rin nag-react si Derek sa sinabing wala siyang maibigay na love sa ibang tao dahil ang sarili nga niya, hindi niya mahal. Ang payo ng basher, ‘wag magpaloko sa kagwapuhan ni Derek.

Ang hindi nagustuhan ni Derek ay ang sinabi ng basher na naririnig siyang minumura ang mga kasama niya sa bahay. “Reall?? Cursing people in my house??? You have to be very careful of what you are saying. I think i have an idea who you are! Look you can say whatever you want but posting my address is just wrong. I dare you talk to my help here at home and ask them how i am. You are rude and a coward.”

Ang daming kumampi kay Derek at may nag-akala pang kamag-anak niya ang basher. May nagsabi namang baka binasted ni Derek ang basher, kaya gumanti sa social media pa.

Sa July na nga ang airing ng The Better Woman nina Derek at Andrea Torres.

Heart at Anne hinihiritang mag-collab

Iba talaga si Heart Evangelista dahil pati ribbon ng paper bag, nagawang fashion statement nang gamiting ribbon sa kanyang buhok. Pinost ni Heart ang picture niyang may tali ng red ribbon na may nakasulat na “Chanel.”

May agad nag-react ng “Yung ipit nya sa buhok mas mahal pa sa lahat ng suot mo ngayon plus laman ng wallet mo.”

Sumagot si Heart ng “dear galing lang toh sa Paper bag! Ginawan lang namin ng paraan next time mag red ribbon naman ako.”

Pati si Anne Curtis nag-react ng “Love this” na ikinatuwa ng netizens at dahil dito, may mga humi­ling ng collaboration kina Heart at Anne.

Speaking of Heart, napanood namin ang sinabi ni Cherie Gil na good adviser si Heart sa Starstruck hopefuls dahil ang gaganda ng kanyang mga sinasabi sa mga humaharap sa kanilang mga council na sina Cherie Gil at Jose Manalo.

Ice pinagtawananlang si Cardema

Tinawanan lang ni Ice Seguerra ang claim ni Ronald Cardema at pagtawag kina Ice at Dingdong Dantes na “yellow” and “leftist” dahil lang kabilang ang dalawa sa pumalag at hindi pumayag na maupong Congressman ng Party List na Duterte Youth si Cardema.

Sinagot ni Ice sa akusasyon ni Cardema sa Facebook at sabi nito, hindi siya (si Ice) ang umubos ng oras sa NYC para sumipsip at gawing ninong at ninang ang lahat ng pwedeng makapitan para lang makasigurado sa pwesto.

Tsika ni Ice, tuwing meeting nila noong Chairperson pa siya sa National Youth Commission, hindi nakikinig si Cardema at hindi rin nakinig sa suhestiyon niyang umikot para alamin ang pinagdadaanan ng nasasakupan niya.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with