Kris babalikan ang horror
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Balitang muling babalik sa paggawa ng movie si Kris Aquino, isa mu­ling horror movie ang gagawin niya at malamang daw sa September niya ito simulan.  May go-signal na kaya ang mga doctor ni Kris na bumalik sa pagta-trabaho, hindi ito isang bagong endorsement lamang, kundi isang pelikula.

Post ni Kris: “I won’t give specific details, mabait ang producers because I had asked to start in September when I feel my immunity can take on the physically required, but for now I need to strengthen myself.”

Cherie nagulat na napansin ang kakapiranggot na role

Congratulations kay Ms. Cherie Gil sa pagka­panalo niya bilang Best Supporting Actress, her first award ever, sa Gawad Urian.  Hindi mo masisisi si Cherie na maging emosyonal nang tanggapin niya ang award na masasabing long overdue na. Noong presscon ng StarStruck 7 naikuwento niyang natuwa siya na nominated siya sa Best Supporting Actress sa Gawad Urian para sa role na ginampanan niya sa Citizen Jake. 

Biro niya, kahit pala guest role lamang pwedeng ma-nominate.  Kahit nga guest lamang sa said movie na dinirek ni Mike de Leon si Cherie, hinangaan naman siya ng mga moviegoers dahil ang husay-husay ng portrayal niya sa role.

Anyways, masasabing naiiba ang pagsisimula ng original artista search na Starstruck 7 at worth it ang paghihintay na mapanood ang pilot episode nito last weekend, June 15 and 16. This time, ang hosts ay sina Dingdong Dantes (on his 7th year as host) at si Ultimate Actress at kauna-unahang Ultimate Survivor ng batch 1 ng Starstruck, si Jennylyn Mercado.

Napabilib ang mga netizen sa authenticity ng council members na sina Heart Evangelista, Ms. Cherie Gil at Jose Manalo. Mahuhusay silang lahat at dagdag na saya at bawas tensiyon sa 22 hopefuls ang mga banat ni Jose.

Inabangan din ang pagpapakilala sa Top 22 hopefuls, na sa unang gabi pa lamang ay may mga natanggal na sa kanila.  Lahat naman ng natanggal ay papasa rin, dahil mahuhusay sila, pero may mga humigit naman kaysa kanila sa performance, lalo na sa acting.

Sky Castle, relatable sa mga Pinoy

Tiyak na ikatutuwa ng mga mahihilig manood ng Korean dramas na matagal nang niri-request sa GMA Network na makuha nila ang sikat at napakagandang K-drama na Sky Castle. Kuwento raw ito ng apat na pamilyang puno ng inggit at karangyaan.

Mga bida ang sikat na mga Korean star at tinaguriang Tiger Moms na sina Yum Jung Ah, Lee Tae Ran, Yoon Se Ah, at Oh Na Ra as the four housewives na gagawin ang lahat upang patunayang pinakamagaling ang kani-kanilang mga anak. Star-studded ang cast at very intriguing ang pagtalakay ng story sa iba’t ibang realidad ng mga ina. Abang-abang lamang kung kailan ito sisimulan sa GMA 7.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with