James nawawala sa pelikula!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Very proud ang ka-loveteam at real-life sweetheart ni Nadine Lustre na si James Reid sa kanyang kasintahan dahil sa sunud-sunod nitong acting awards na natanggap mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Pagkatapos ng FAMAS at Young Circle Critics (YCC) kung saan siya nanalong Best Actress at Best Performer respectively, mu­ling pinarangalan ang singer-actress ng panibagong Best Actress trophy mula sa ika-42nd Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) na ginanap sa UP Film Institute last Tuesday evening, June 18. 

Samantala, magmula nang mag-back out si James Reid sa solo movie nitong Pedro Penduko, wala pang bagong proyekto na sisimulan nito pero may lumabas na balita na muli silang magtatambal ni Nadine sa isang movie.

BF ni Andi malaki ang takot kay Jaclyn

Hindi ikinakaila ng surfer champ boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo na sobra umano siyang natakot at kinabahan na makaharap ang ina ni Andi, ang veteran award-winning actress na si Jaclyn Jose pero ang lahat ng ito’y nawala nang personal na niyang makaharap ang kanyang `mother-in-law’.

Ang mag-partner na sina Andi at Philmar ay naging guest kamakailan lamang sa mor­ning show na Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

In a couple of weeks ay nakatakdang isilang ni Andi ang magiging first baby nila ni Philmar na isang baby girl. Si Andi ay may 7-year-old daughter na si Ellie sa dating kasintahang si Jake Ejercito.

Since malapit nang isilang ni Andi ang kanilang magiging unang supling ni Philmar ay naglalagi muna siya rito sa Maynila dahil dito niya gustong isilang ang magiging baby sister ni Ellie.

Ang mag-partner na Andi at Philmar ay nagpapagawa na ng kanilang bahay sa Siarago kung saan sila pareho naka-base ngayon.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with