Pelikula nina Pokwang at Glaiza, napansin sa Malaysia
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Hindi man sila nominado ni Glaiza de Castro bilang best actress sa Malaysian Golden Global Awards, makikilala na rin ng mga kapatid nating Asyano sina Glaiza at Pokwang, Marietta Subong in real life na ginamit niyang pangalan sa pelikula niyang Oda sa Wala para marahil mabigyan ng emphasis na ang pelikula ay seryoso at hindi isang simpleng comedy na siyang forte ng komedyana. Ang mga pelikula nila na Oda sa Wala at Liway (pelikula ni Glaiza) ay nominated for best picture.

Vickie sa showbiz babawi

Matapos ang dismal showing niya sa katatapos na Binibining Pilipinas pageant unti-unti nang nakakabawi si Vickie Rushton. Tinanggap na ng mga supporter niya na minalas lamang siya at hindi nangangahulugang hindi nakaya ng utak niya na sagutin ang katanungan ni Daniel Padilla na tumayong hurado. Sa halip na malugmok sa panghihinayang sa naging kapalaran niya, ang pag-aartista niya ang pagtutuunan muna ng pansin ni Vickie. Pangunahing pangarap niya ang gusto niyang mabigyan ng katuparan, ito ay ang magampanan ang role ni Darna na hanggang ngayon ay wala pang napipili para gumanap ng role. 

Lea hahataw na accomplice ng killer

Sa Singapore naman magpapasikat ang musical stars natin na sina Lea Salonga at Jett Pangan sa palabas na Sweeney Todd mula November 28-December 8, 2019 sa Marina Bay Sands. 

Isang musical thriller ang Sweeney Todd na kung saan gagampanan ng dating star ng Aladdin, Mulan at Miss Saigon ang role ng isang accomplice ng isang serial killer. Ginampanan sa pelikula ang stage musical nina Johnny Depp at Helena Bonham Carter.

Angeline at K, inilako ang concert tickets nila 

Hindi na bago ang balitang nagtinda ng ticket para sa kanilang concert sa Araneta Coliseum ang marami nating artista. Ginawa ito ni Daniel Padilla, at maging ni Vice Ganda pero, hanggang sa takilya lamang sila. Sina Angeline Quinto at K Brosas ay nagtinda rin ng tiket para sa kanilang concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Angeline K ‘To, Concert Namin ‘To na magaganap sa July 12 pero, lumabas sila ng takilya at nangumbinse ng pwedeng bumili ng tiket nila, hindi sila namalagi sa loob ng takilya na mas epektibo.

Jon, inaabangan kung tama ang paglayas sa hashtag

Hindi kaya nagkamali si Jon Lucas na layasan ang Hashtags at ang network niya na anim na taon din siyang inalagaan. Baka kasi kailangan pa niya ng panahon para mas ma-establish ang sarili niya sa tulong ng grupo ng mga dancer na kinaaaniban niya. Sana nga ay hindi siya nagkamali ng desisyon niya, at good luck sa kanya.

GLAIZA DE CASTRO POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with